Hiwalay na pala ang panganay ni Senador Robin Padilla na si Queenie Padilla sa mister nitong si Usama Mir. Kinasal sila noong 2015.
Sa Instagram post ni Queenie, sinabi nito na “irreconcilable incompatibility” ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
“Assalamualaikum, after much thought and consideration, I have decided to seperate from my husband, due to irreconcilable incompatibility. This decision wasn’t taken overnight it has been years and months of trying to work things out.”
Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, sinabi ni Queenie na patuloy niyang mamahalin at igagalang ang ama ng kanilang anak.
“I will forever cherish the 11 years we’ve had together,” sey ni Queenie na nakiusap din igalang ang kanilang privacy.
Sinubukan ding mag-showbiz noon ni Queenie. Lumabas siya sa mga teleserye na Totoy Bato (2009) at Momay (2010).
Rayver, nahihirapan ‘pag may sakit si Julie Anne
Mag-turn 29 si Julie Anne San Jose ngayong May 17 pero nabigyan siya ng advanced birthday celebration last Sunday sa All-Out Sundays.
Naging emotional nga ang boyfriend niyang si Rayver Cruz sa pagbati nito kay Julie.
“Wish ko lang for you is good health. Alagaan mo ‘yung health mo. Ako ‘yung nahihirapan ‘pag nagkakasakit ka. Sobrang blessed naming lahat to witness an artist like you. For me, ikaw ang pinakamagaling. Ikaw lang ang makakagawa niyan and sobrang suwerte ko na nagustuhan mo ako. Excited na ako na marami pa tayong magawa. Nandito lang ako para mahalin ka habambuhay. Happy birthday, my love. I love you,” sey ni Rayver.
Sagot naman ni Julie: “To my love, Ray, I love you so much. You always make me happy everyday and always, so I love you. I am proud of you too.”
Kelly, nagsalita sa pagpayat sa gamot sa diabetes
Naging open ang American Idol winner and TV host na si Kelly Clarkson sa kanyang controversial weight loss.
Ni-reveal ni Clarkson sa kanyang talkshow na hindi ang anti-diabetic drug na Ozempic ang dahilan ng kanyang pagpayat.
“Mine is a different one than people assume, but I ended up having to do that too because my bloodwork got so bad. Everybody thinks it’s Ozempic, but it’s not. It’s something else.”
Tinawag na weight-loss wonder ang Ozempic dahil ito ang ginamit nila Oprah Winfrey, Whoopi Goldberg at iba pang overweight celebrities para pumayat.
Ayon kay Clarkson: “My heaviest, I was like 203 lbs. And I’m like 5’3” and a half. I eat a healthy mix. I dropped weight because I’ve been listening to my doctor — a couple years I didn’t. And 90 percent of the time I’m really good at it because a protein diet is good for me anyway. I’m a Texas girl, so I like meat — sorry, vegetarians in the world!”