Coco, may lupain sa harap ng dagat!

Coco Martin.
STAR/ File

May property na rin pala sa Pola, Oriental Mindoro si Coco Martin.

Pero ayaw magbigay ng detalye ni Mayor Ina Alegre ng Pola, Oriental Mindoro, tungkol sa nabiling lupain ng actor sa kanilang bayan.

Basta beach front daw ito pero wala pang bahay.

Nag-stay nga ng three weeks sa Pola si Coco at ang buong cast ng pelikulang Pula kasama si Julia Montes.

Kasalukuyang trending sa isang streaming platform ang Pula kung saan may importanteng role si Mayora Ina na kilalang sexy actress bago pinasok ang pulitika.

Kumusta naman si Coco na katrabaho? May inamin ba sila sa ‘yo?

“Parang may iba pang dapat aminin? Wala, hindi ko alam. Kasi alam ko mabait silang dalawa. Kasama ko silang artista.”

So ‘yung experience mo kay Coco bilang katrabaho? “Kay Coco, sobrang bait niya. Very professional siya. And dun sa mga role talagang inaaral niya.

“Ako kasi parang nagjo-joke lang ako. Tapos nung nakita ko siyang umaacting... ay, seryoso na pala to. Madadala ka talaga sa kanya,” pag-aalala ni Mayor Ina sa isang chance interview last week.

So naging close ka sa kanya? “Naging super close kasi ang tagal namin magkasama. Nagluluto si Julia. Napakabait niya.”

Dagdag niya pa “Tapos inaaya niya pa ako na kumain ng lunch, ng dinner.”

Ilang hectare ang property niya sa Pola? “Hindi ko alam, pero alam ko bumili siya.”

So babalik-balik na siya doon?

“Hindi pa nga ulit nakabalik kasi sobrang busy niya.... May fishpond. Lot muna. Wala pang house ‘yun? Wala pa pero may bakod na eh,” kuwento pa ni Mayor Ina.

Anyway, sunud-sunod ang mga nagso-shooting sa Pola.

After Pula, marami pa ulit sumunod na nag-shooting na pelikula at teleserye.

Dahil pinalalakas nila ang tourism industry, welcome ang lahat ng gustong mag-shoot sa kanilang bayan.

Wala silang charge o kahit anong bayad ang mga production basta makikipag-coordinate sa kanila at may assurance na kukuha sila ng support staff na mga tagaroon.

Maraming tourist spots sa Pola ayon pa kay Mayora.

“Gusto mo ng dagat saka ilog. Gusto mo lawa. Gusto mo ng bundok. Meron kami. Lahat meron kami. Gusto mo ng dagat, lawa, ilog. Anything everything na meron ka sa mind mo dadalhin ka.”

Ilang percent ang itinaas ng tourism industry after shooting?

“100 percent.”

So ilan ‘yung tourist ninyo lately?

Before kasi twenty thousand.

“Lately. Hundred thousand.”

Juday  limang taong namahinga

Patuloy na pinapatunayan ni Judy Ann Santos ang pagiging Forever Kapamilya at isa sa ultimate stars ng ABS-CBN dahil excited na ang fans sa gagawin niyang mga proyekto, kabilang na rito ang seryeng The Bagman.

Umaarangkada na nga si Juday para sa taping ng action drama series na pinagbibidahan din nina John Arcilla at Arjo Atayde.

Kamakailan lang ay nagpasalamat si Juday sa mga bumubuo ng The Bagman dahil sa munting sorpresa na inihanda nila sa set para sa kaarawan niya.

Ito ang magsisilbing acting comeback ng actress pagkalipas ng limang taon, kung saan gumaganap siya bilang presidente ng Pilipinas, kaya excited na ang fans na masaksihan muli ang kanyang galing sa pag-arte. Kamakailan nga ay naging emosyonal ang kanyang mga tagasubaybay nang magpost siya sa Judy Ann’s Kitchen sa YouTube ng reunion kasama ang kanyang mga  Gimik co-star niyang sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Mylene Dizon, at Dominic Ochoa.

Sa higit tatlong dekada ni Juday bilang Kapamilya, napamahal na siya sa mga manonood dahil sa kanyang natatanging pagganap sa iba’t ibang serye at pelikula.

Ilan sa mga hit shows niya ay ang Mara Clara,  Esperanza, Gimik, at Mula Sa Puso,  at ang mga pelikulang Isusumbong Kita Sa Tatay Ko, ‘Till There Was You, at Kasal, Kasali, Kasalo.

Unang nakilala si Juday sa hit 1992 TV series na Mara Clara kasama si Gladys Reyes.

Magmula noon, nanalo siya ng iba’t ibang awards at isa na rito ang Best Actress sa 41st Cairo International Film Festival.

Ang huli niyang teleserye ay ang 2019 Kapamilya primetime series na  Starla at naging host din siya ng inspirational 2021 docu-drama na Paano Kita Mapasasalamatan.

Show comments