Mukhang walang nasasabing tama si Xian Lim sa mata ng fans ni Kim Chiu.
Muli kasing binigyan ng masamang kahulugan ng fans ni Kim ang naging sagot nito sa tanong sa kanya sa Family Feud.
Ang tanong ay: “Kung makakasalubong mo ang ex mo, ano ang itatanong mo?”
Sagot ni Xian: “I hope you do find the happiness that it is you’re looking for.”
Siyempre, react agad ang ilang fans ni Kim dahil parang pasaring daw ito ni Xian sa kanilang idol.
Depensa naman ng Xian fans na sinagot lang nito ang survey question ng game show and hindi raw lahat ay tungkol kay Kim.
Hirit pa ng isang Xian fan na mag-move on na ang Kim fans dahil pareho na raw naka-move on ang mga idolo nila.
Loisa at Ronnie, umabot ng walong taon
Natutuwa kami sa relasyon nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio dahil tumagal ang relasyon nila dahil pareho sila ng goal sa pagsasama nila.
Naka-focus nga raw sila sa kanilang future family. Kahit na ‘di pa nila naiisip ang magpakasal, ang magandang pagsasama ang gusto nila.
Sa November ay mag-celebrate sila ng kanilang 8th anniversary.
Parehong inamin ng dalawa na hindi perfect ang relasyon nila. Pero nandun daw lagi ang respeto nila sa isa’t isa.
Taylor Swift, inaabangan sa paris olympics!
Bukod sa nalalapit na Paris Olympics, mas inaabangan pa ng naturang bansa ang pag-perform ni Taylor Swift via The Eras Tour.
May Taylor Swift Fever ngayon sa Paris dahil bawat subway station ay pinangalanan nila sa albums ni Taylor na Taylor Swift, Fearless, Speak Now, Red, 1989, Reputation, Lover, Midnights at The Tortured Poets Department.
Nagkalat din ang iba’t ibang merch ng Eras Tour at may gumawa pa ng video ng Eiffel Tower na nilagyan ng friendship bracelets ng singer.
Four dates magtatanghal si Taylor sa La Defense Arena in Paris. Sold-out na raw ang tickets dahil maraming Swifties na lumipad to Paris dahil cheaper daw ang presyo ng tickets. May 30,000 to 40,000 ang capacity ng naturang venue.
After Paris, sunod na puntahan ni Taylor ay sa Sweden, Portugal, Spain, Britain, Ireland, the Netherlands, Switzerland, Italy, Germany, Poland and Austria.