WMH, mala-Korean drama ang dating

Maxine, Beaver at Mutya

Masayang-masaya ang showbiz newbie na si Beaver Magtalas na natupad ang wish na makapagpakilig at makapagpaiyak nang mainlab, kiligin at ma-touch ang mga nanood sa red carpet premiere ng debut movie niyang When Magic Hurts sa SM The Block kamakailan.

Katambal ni Beaver sa malakas maka-K-drama feels na proyekto ang kapwa-Star Magic artists na sina Maxine Trinidad at Mutya Orquia.

Sobrang feel-good ang When Magic Hurts at kilig-kiligan, lalo pa nga’t mahusay na na-capture ng direktor nitong si Gabby Ramos ang kalamigan at kagandahan ng mga flower farm sa Atok, Benguet.

Siyempre, sa premiere ay hindi naiwasang nerbyosin ni Beaver dahil nga malapit nang hatulan ang film debut niya na pinaghirapan nilang i-shoot sa gitna ng isang bagyo sa Benguet.

Aniya pa, bukas siya sa anumang kritisismo dahil alam niyang marami pa siyang dapat matutunan bago maging bihasa sa pag-arte.

Nang hingan ng reaksyon sa sinasabing siya na ang bagong Rico Yan at isa kina Maxine at Mutya ang susunod na Claudine Barretto (na kasama rin sa movie), sey ni Beaver, “I hope we deliver as much kilig and as much good acting as they did. Pero all of us are pretty determined to make a name for ourselves. (It’s) always flattering and thankful po to be ihalintulad po sa mga tao na ‘yon.”

Dumalo rin sa When Magic Hurts screening sina Angelica Jones, Dennis Padilla, atbp.

Sa May 22 ang ang target showing ng nasabing pelikula na mas nakadagdag sa kilig ang theme song nitong Got to Believe In Magic na kinanta nang live ni Cedrick Escobar sa nasabing premiere night.

Mister ng aktres, ‘di makauwi dahil sa mga kaso sa abroad!

Sangkot pala sa mga kaso ang mister ng isang aktres sa abroad.

Ayon sa source, ito ang rason kaya hindi raw makauwi sa sariling bayan ang nasabing mister ng actress.

Ang daming chika ng source tungkol doon pero kailangan talaga ang supporting document para mapatunayan dahil nakabinbin pa raw ito sa korte.

Wala sa hitsura ng mag-asawa na may problema ang mister.

Masaya rin ang kanilang buhay base sa pino-post. Pero ‘yun nga ayon sa reliable source, may mga kailangang haraping kaso ang mister na hindi masyadong celebrity.

Elevator at G!, nagsalpukan na

Palabas na sa mga sinehan ang mga panibagong obra ni Director Philip King, pero hindi lang isa, kundi dalawa, umpisa kahapon, April 24, 2024.

Ang hindi sinasadyang salpukan sa mga sinehan ng dalawang pelikula ni Direk King ay nagmamarka ng isang makabuluhang milestone sa kanyang pagiging direktor-writer.

Si Direk King ay isang scriptwriter sa ABS-CBN sa loob ng higit sa 10 taon kung saan sumulat siya ng maraming nangungunang mga palabas sa primetime tulad ng Noah, Budoy, Juan Dela Cruz, Katorse, Kapitan, and Sana Maulit Muli.

He has also written and directed Tencent Pictures’ first Filipino Original Series, the youth-oriented drama mystery Section St. Valentine: The Disappearance of Divina streaming on We TV, and co-creator for the critically acclaimed TV series Bagman.

At ang dalawang pelikula niya na nagsasalpukan sa mga sinehan umpisa kahapon ay ang Elevator and G! LU na pareho niyang sinulat at dinirek.

He says they represent two important phases in life – one, when you are wild, young, and free, and the other when you are at the crossroads of success and failure.

Ang Rein Entertainment’s Elevator ay international co-production with Viva Entertainment, Cineko Productions, WASD Media Productions, and Dogma Films.

Pinagbibidahan ang pelikula nina Paulo Avelino and Kylie Verzosa, with an international cast – Singaporean actor Adrian Pang and an ensemble of talented actors.

Kuwento ito tungkol sa two hardworking, career-driven Filipinos in Singapore. Nang magkita ang kanilang landas, napipilitan silang pumili sa pagitan ng pag-ibig o pagtupad sa kanilang mga pangarap.

Nag-aalok ito sa mga manonood ng madamdaming kuwento na kinunan sa makulay na backdrop ng Singapore at sa setting ng isang hotel na tinitirhan ng mga migranteng manggagawa kaya this modern love story is a must-watch cinematic experience.

Ang G! LU naman na produced with Bench and Rein Entertainment, ay isang summer movie starring some of the country’s hottest young stars -- Ruru Madrid, Derrick Monasterio and David Licauco, Kiko Estrada, Teejay Marquez, Enzo Pineda, Katarina Rodriguez, Kimi Mugford, Sophia Senoron, Michelle Dee, and Chanel Morales.

Ang pelikula ay tungkol sa mga huling araw ng summer – to push their limits and be wild and free.

Anim na members of the VBC (Valley Boys Crew), this is a trip to strengthen their friendship and live their best life.

Kinunan naman ang pelikula sa magagandang beach sa La Union, this pre-pandemic production features the hottest Bench models and promises to be the must-see summer movie of 2024.

Mapapanood din sa pelikula ang celebration of friendship, freedom, adventure, and the pursuit of living life to the fullest, G! LU invites audiences to embark on a wild journey of surf, waves, hookups, and unforgettable parties.

Bukod sa Elevator and G! LU, Rein Entertainment is also co-producing The Bagman with ABS-CBN International, Dreamscape Entertainment, and Nathan Studios.

Matatag na naniniwala sina Lino Cayetano, Philip King, at Shugo Praico ng Rein Entertainment sa halaga ng pakikipagtulungan sa pamamagitan ng mga co-production.

Kaya hindi pa rin talaga masasabing mabubura na talaga sa mga sinahen ang mga pelikulang Tagalog dahil marami pang mga producer ang gumagawa ng pelikula.

At iba ang experience sa panonood sa sinehan kesa sa gadget lang o sa bahay.

Oo nga at may gastos pero ibang karanasan naman.

 

Show comments