Ang lala ng fake news lately na ginagawang legit ng ibang news website.
Hindi man lang mag-verify.
Ang latest na super duper fake news ay ang sinasabing magsasara na ang Eat Bulaga dahil nalulugi na ito.
Kaya naman sinagot na ito nina Tito Sotto at Joey de Leon. “Aba, may mga sinungaling na nagkakalat na nalulugi raw tayo! Magsasara na raw tayo!” umpisa nina Tito Sotto and Joey de Leon sa News5Everywhere.
“Ano? Magsasara after 45 years?” hirit naman ni Allan K.
“Sabi ng mga sinungaling!” susog ni former senator Sotto.
“Inggit lang mga ‘yan kasi hindi sila kasama sa top five longest-running TV shows in the world!” hirit ulit ni Joey.
“Para mapatunayan na tayo’y hindi nagsisinungaling at sila’y mga sinungaling, bukas, bibigyan natin ng kopya ang media ng ating file sa BIR (Bureau of Internal Revenue) ng income tax!” dagdag pa ni tito Sen.
“Eto hamon ko: Umabot lang kayo ng 15 years, baka lumuhod ako sa harap n’yo - 15 because he might not be around anymore should it be more than that.
“Kaya sa mga Dabarkads at sa ilang mga hindi Dabarkads, ano, ‘yung mga nagsasalita nang ganu’n, mga sinungaling ‘yun, ‘wag na kayo maniniwala sa ganu’n!” pagdidiin pa nila Tito Sen.
Forty-five years na ang Eat Bulaga sa ere at nakasama ito sa top five longest-running TV shows in the world kamakailan.
Sa listahang ibinahagi ni Joey sa isang post, isang soap opera mula sa United States ang nasa top 1 na may 56 na taon, na sinundan ng isang game show sa France na 52 taon, isa pang soap opera sa US na may 51 taon, pagkatapos ay ang Eat Bulaga na.
“The Top 5 LONGEST RUNNING TV Shows in the world!” sabi ng isa sa mga henyo ng local showbiz.
Kinumpleto ng entertainment show na Access Hollywood na may 26 na taon ang Top 5.
Ayon nga sa insider ng TV5, unbothered ang TVJ sa nagaganap na pakikipagsalpukan sa It’s Showtime na ngayon ay nasa GMA.
Anticipated naman diumano nila ang mga nagaganap kaya hindi na nag-e-effort ang Eat Bulaga na makipagtapatan dahil ang katuwiran daw nila ay may captured audience sila.
Jericho, six years na ang huling teleserye
Excited na ang Asia’s award-winning actor na si Jericho Rosales para sa kanyang inaabangang TV comeback kung saan bibida siya sa isang proyekto ng ABS-CBN.
Bagama’t wala pang detalye tungkol sa gagawing teleserye ni Jericho, dapat diumanong abangan ng fans ang gagampanang papel ng actor na sigurado umanong tatatak sa mga manonood.
Sa panayam ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Jericho kung bakit niya tinanggap ang naturang proyekto pagkalipas ng anim na taon mula noong bumida siya sa huli niyang teleserye.
“I’m very excited sobrang tagal ko nang ‘di nakabalik dito. It’s nice to be back here sa ABS-CBN,” kwento ng Kapamilya heartthrob.
“It’s a really good project. For me timing is everything. It’s the perfect project, something that is aligned sa goals ko for my career now in film, TV, and streaming. The story is good,” dagdag niya.
Bukod sa kanyang pagbabalik-teleserye, sinabi rin ni Jericho na may niluluto rin siyang proyekto kasama ang Star Cinema.
“I’m really happy with this energy now that I am back in front of the camera, announcing stuff that I’ve been working on,” sabi niya.
Ito na kaya ‘yung pelikula nila ni Kathryn Bernardo?
Bilang isa sa mga pinakamagagaling na leading man ng kanyang henerasyon, napamahal ang mga manonood kay Jericho dahil sa kanyang mga pinagbidahang serye tulad ng Pangako Sa’Yo, Sana’y Wala Nang Wakas, The Legal Wife, at iba pa. Ang huling teleserye na ginawa ni Jericho ay noong 2018 para sa hit romantic drama na Halik.
Voltes V: Legacy, may replay
Sa pangunguna ng Kapuso Ultimate Heartthrob Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Raphael Landicho, at Matt Lozano, ang makasaysayang live-action adaptation ay ire-replay sa GMA Afternoon Prime simula Mayo 6.
The other day ay nag-post ang GMA Network ng teaser video ng pagbabalik, na agad umani ng mga positibong reaksyon.
The live-action series ay produced by GMA Network in partnership with Toei Company, Ltd. and Telesuccess Productions Inc.
Acclaimed local animators from GMA’s Post Video Graphics and Audio team and Riot Inc. handled the program’s heavy CGI and other visual effects.