Lilet Matias, bigatin ang mga guest!

MANILA, Philippines — Patuloy na tinututukan sa GMA Afternoon Prime ang Lilet Matias: Attorney-At-Law.

Bukod sa consistent high ratings, kaliwa’t kanan din ang papuri ng viewers para sa nasabing legal serye.

At mas lalo pang magiging exciting ang mga susunod na linggo dahil sa powerhouse guests at iba pang bigating kaso na haharapin ni Atty. Lilet Matias!

Kasalukuyang umeere ang episodes tungkol sa child custody case kasama ang guest stars na sina Camille Prats, Maybelyn Dela Cruz, at Direk Gina Alajar.

Susundan naman ‘yan ng hit-and-run case na lulutasin ni Atty. Lilet mula April 23 hanggang April 26. Abangan sa episodes na ‘yan ang batikang aktor na si Bodjie Pascua.

Gaganap naman bilang judge si Buboy Garovillo sa Tinang Murder Case na eere mula April 30 hanggang May 9. May special participation din sina Max Collins at Odette Khan sa ilang episodes tungkol sa Inno-Trixie Rape Case.

Masubaybayan ang Lilet Matias: Attorney-At-Law, Lunes hanggang Biyernes tuwing 3:20 p.m. sa GMA Network, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.

Show comments