Kambal na babae, sina Celeste at Celina, ang isinilang ng dating member ng Viva Hot Babes na si Jaycee Parker.
Tuwang-tuwa naman sa kambal ang kanyang asawang si Jericho Aguas na noong araw ay sumubok ding maging singer dahil sa kanyang lolo na si Rudy Genasky at naging asawa ng yumaong si Isabel Granada.
Pero buhay pa si Isabel at nagkahiwalay nga silang dalawa noong maging syota niya at ngayon ay asawa na niyang si Jaycee Parker.
Happy naman sila at maging ang anak ni Isabel na si Hubert na 15 years old na at kasundo naman niya.
Happy family sila ngayon.
Pare-pareho silang naninirahan at naglilingkod na public servant sa Angeles City.
GMA, iba ang atake sa mga programa
Natawa kami sa isang tanong ng dating movie writer at director din ng pelikula na si Ronald Carballo sa kanyang social media account.
Ang tanong niya kung baliktad kaya ang sitwasyon at ang GMA ang nawalan ng prangkisa at nalugmok ang negosyo kukupkupin kaya sila ng dati nilang kalabang ABS-CBN?
Tatanugin pa ba iyan? Siyempre ang sagot diyan ay hindi. Malaki ang kaibahan ng dalawang network sa pamamalakad ng kanilang negosyo.
Iyong GMA kasi kailangan nila ng content sa kasalukuyan lalo na at humihina na kumbaga ang telebisyon dahil sa mga digital platform.
At kung pag-aaralang mabuti ang style nila, talagang kailangan nilang ma-eliminate ang kumpetisyon para sila ang maging number one ng matagal.
Pero ang siste nawalan sila ng franchise.
Mga pelikula ni Vilma, kinuha ng OWWA
Ang daming video ng mahabang pila ng OFWs na nanonood ng pelikula ni Ate Vi (Vilma Santos) sa Rome at sa Japan, bahagi iyan ng sampung showing ng pelikula na kinuha noon ng OWWA, para mapanood ng OFWs at maging inspirasyon sa kanila, after all hindi lang sila ang subject, talagang sila ang gustong bigyang halaga ng pelikula.
Limitado lang ang maaaring manood, iyon lang OFWs, na siyempre rehistrado sa OWWA.
Siguro kung magkakaroon pa ng additional exhibition ang pelikula na hinihingi nila sa producers noon ay baka naman mapagbigyan din ang iba na gustong makapanood ng pelikula.
Iyan nga siguro ang kaibahan ni Vilma Santos, ang kanyang box-office appeal hindi lamang sa mga Pinoy kundi maging sa mga dayuhan man.
Hindi ang awards lamang ang mahalaga eh may appeal siya sa mga manonood ng pelikula.