Dominic, Alden at Jericho, ka-join ni Kathryn sa El Nido

MANILA, Philippines — Kasama sina Alden Richards at Jericho Rosales sa mga naki-celebrate ng 28th birthday ni Kathryn Bernardo sa El Nido.

At andun din Dominic Roque, base sa mga kulat sa social media.

Bongga, kaya naman trending agad ang birthday ni Kathryn at maging si Alden.

Habang si Daniel Padilla ay pahulaan ang post kung si Kathryn ba ‘yung binati niya ng happy birthday.

Napunta talaga lahat ng simpatya kay Kathryn ngayon kaya naman parang marami na ang naaawa sa aktor.

Show comments