Naging open na si Diego Loyzaga sa kanyang naging experience noong sumailalim siya sa rehabilitation.
Ito raw ang nakapagbago sa kanya after ng kanyang pagtangkang mag-suicide.
“I did go to rehab. I was very, very, depressed. I was in the brink of suicidal. I will not deny that substances had a part to play with my mental state. They don’t help eh, hindi siya nakakatulong. If you’re already a person with a problem, meron kang pinagdadaanan and there’s other substances, other factors that are pulling you down, it’s a hard bit to crawl out of,” sey ni Diego.
Para hindi raw mag-relapse, ginagawa niyang kausapin ang kanyang counselors lalo na kapag nagkakaroon siya ng urge na balikan ang dating bisyo.
“Every single day I still talk to my counselors, I’m still in touch with my kuyas and ates from rehabilitation, and they are still monitoring me. All the time I’m still very open with them,” sey ni Diego na walong buwan na nasa loob ng rehab facility at hindi raw nakita ang kanyang pamilya hanggang naging handa siya physically and mentally.
Isa sa mga plano ni Diego ang gumawa ng kanyang sariling YouTube channel para madetalye niya ang kanyang mga pinagdaanan at paano siya nabago ng rehabilitation bilang tao.
Rayver at Julie, nagsimula sa pagiging bestie
May special place sa puso nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose ang Siquijor dahil sa naturang lugar nagsimula ang love story nila.
“Special place namin ang Siquijor kasi after pagbalik galing Siquijor nag-guest ako sa Limitless concert niya and doon ko napagtanto na mahal ko ang best friend ko,” sey ni Rayver.
Thankful naman si Julie sa JulieVer fans na patuloy na sinusuportahan sila simula pa sa Studio 7, The Clash hanggang sa All-Out Sundays.
“Maganda ‘yung reception sa mga performance namin and then nagtuluy-tuloy na mga prods. Then nagkaroon na kami ng like mga acting stints, tapos nagkaroon pa kami ng movie.”
Bestie raw ang tawagan ng dalawa noon hanggang sa mauwi sa totohanang relasyon.
Taylor Swift, tuhog sa recording artist
Si Taylor Swift ang hinirang na Global Recording Artist of the Year for the 4th year ng International Federation of the Phonographic Industry (IFPI).
Ibinibigay ng IFPI ang Global Artist of the Year Award sa artist na may pinakamaraming sales, streams o downloads ng kanilang mga kanta sa isang taon. Back-to-back ang panalo ni Taylor noong 2023 at 2022. Nakuha rin niya ang award noong 2019 at 2014.
Nagwagi si Taylor ng kanyang ikaapat na Album of the Year award mula sa Grammys para sa kanyang phenomenal album na Midnights. Patuloy rin ang pagtanghal niya sa international leg ng kanyang The Eras Tour.