Javi, ‘di agad naka-adjust sa showbiz?!

Sue Ramirez at Javi Benitez

Parang naawa naman ako kay Javi Benitez dahil sa nangyaring issue sa kanya.

Siguro nga dapat sa isang tulad niya na meron ama na pumasok sa mundo ng showbiz na hindi maiwasan mga intriga, puwedeng hindi iyon maintindihan ng isang anak lalo pa at hindi ito sanay sa kalakaran ng showbiz.

Ang ganda ng educational record ni Javi, nag-aral at nakatapos sa Amerika ng dalawang kurso. Ok naman na ang girlfriend niya na si Sue Ramirez na taga-showbiz, pero iyon dagdag pressure pa ang issue ng father niya na si Albee Benitez, siguro nga hindi na makaya ng isang Javi.

We understand na siguro lahat ok lang basta hindi apektado ang mother ni Javi, pero siguro nga iyon ang gusto niya bigyan ng protection.

Good. Fine. Pero dapat huwag ng dagdagan pa ng sumbatan lalo na sa mga showbiz writers.

Tapos na ang issue. Humingi na ng pang-unawa si Javi na isa ring mayor sa isang bayan sa Negros.

Ayos na ang lahat.

Sana maging maayos at tahimik na ang pamilya Benitez. Hangad din namin na kung saan happy sina Albee at Javi, father and son , duon sila.

Pareho silang mabait kaya we wish them luck and happiness.

Show comments