Javi, kinakalaban ang ama?!

Javi

MANILA, Philippines — Panay ang patol ni Victorias City, Negros Occidental Mayor Javi Benitez sa mga isyu ng kanyang ama na si Bacolod Mayor Albee Benitez.

May mga pasaring ang mga Instagram story niya.

Sayang naman na naka-graduate siya ng dalawang course sa Amerika pero heto kahit alam niya ang real story ng kanyang mommy at daddy ay parang gusto niyang baliin ang kuwento.

 Ang duda nila, baka naman daw naimpluwensiyahan ng girlfriend niyang si Sue Ramirez.

Pero I’m sure naman may sariling decision si Mayor Javi kaya hindi niya basta-basta gagamitin ang social media para maapektuhan pati ang ama niya na isang producer din.

Sunud-sunod ang mga post ni Javi ng cryptic messages nung pumutok ang kuwento kina Mayor Albee at Ivana Alawi.

Nauna na ngang sinasabi sa isang statement ni Mayor Albee na meron nang dissolution ang kanilang marriage ng kanyang misis.

Show comments