MANILA, Philippines — Mula sa kauna-unahan nitong telecast noong 1987, mas pinalawak ng TV Patrol ang balita at impormasyon nito online sa paglunsad ng TV Patrol Express.
Nagbibigay ang digital newscast ng rundown ng pinakamalalaking kwento bawat araw para sa mga on-the-go na online viewers na tutok sa kanilang iba’t ibang devices.
Pinangungunahan nina ABS-CBN News Chief of Reporters Jeff Canoy at anchor Denice Dinsay ang TV Patrol Express na ipinapalabas sa ABS-CBN News’ Youtube channel at Facebook page tuwing 5 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.
Naghahatid sina Jeff at Denice ng mga nagbabagang mga balita, makabuluhang mga feature story, nakaka-inspire na mga kuwento, at magaan na talakayan.
“TV Patrol Express brings forward the nearly 4-decade legacy of our flagship newscast to a new avenue and bigger audience. It remains part of our commitment to be in the service of more Filipinos, wherever they may be,” sabi ni ABS-CBN Integrated News Head Francis Toral.
Abangan ang pasilip sa mga nagbabagang balita sa pamamagitan ng TV Patrol Express tuwing 5p.m. mula Lunes hanggang Biyernes sa Facebook page at YouTube channel ng ABS-CBN News.