Kyle at Andrea, natuloy na ang tukaan!

Masayang-masaya ang fans nina Kyle Echarri at Andrea Brillantes dahil finally ay napanood na nila ang matagal na nilang inaabangan at ito ay ang kissing scene ng kanilang idolo sa seryeng Senior High.

Ipinalabas na last Thursday ang first kiss ever onscreen nina Kyle and Andrea bilang Obet and Sky respectively na nag-trending pa nang gabing iyon.

Ayon kay Kyle, masaya siya na ang first kissing scene niya ay with Andrea.

“Masaya naman po. It’s my first kissing scene and sobra po akong masaya dahil kasama ko po ‘yung best friend ko do’n,” sey ni Kyle sa panayam sa kanya ni MJ Marfori.

Ikinuwento rin ng aktor kung paano sila napapayag sa naturang first time na eksena.

“Tinanong kami ni direk kung handa na ba kami. Nu’ng una, sabi namin, ‘wow, wait lang, gagawin ba talaga natin ‘to? First time natin ‘to?’ Pero nu’ng mabasa po kasi namin ‘yung script, napakaganda kasi para kay Obet saka kay Sky (karakter nila ni Andrea) and sobra kaming natuwa sa script. Sabi namin, ‘gawin natin ‘to.’

“And masaya kami sa kinalabasan, we’re happy,” tsika ni Kyle.

Next week na magtatapos ang Senior High at marami pa raw mangyayari hanggang sa finale episode.

After Senior High ay may kasunod agad na bagong project na gagawin si Kyle under Dreamscape Entertainment ulit at ang makakasama naman niya ay walang iba kundi si Piolo Pascual.

“Next week, ia-announce na po namin ni Piolo, may show po ako kasama si Piolo, kasama si Grae Fernandez at malalaman n’yo po ‘yung ibang cast next week. Sobrang excited po kami do’n, under Dreamscape Entertainment po ulit ‘yan.”

Bukod dito ay may natapos na rin daw silang pelikula ni Piolo na ipalalabas na this year.

Ruffa, huminging dasal para sa hipag na lumalaban sa leukemia

Humihingi ng dasal si Ruffa Gutierrez para sa kanyang sister-in-law na si Alexa Gutierrez na asawa ng kapatid niyang si Elvis Gutierrez.

Ruffa revealed in her latest Instagram post that Alexa has been diagnosed with Leukemia.

“LEUKAEMIA WARRIOR.  @alexaugutz is a brave and beautiful soul, a devoted wife to Elvis, and a loving mother to Aria and Ezra, her two young daughters.

“In the face of this unforeseen adversity, she needs our prayers and support. Let’s storm the heavens and pray for Alexa’s complete healing,” ang pahayag ni Ruffa.

“Lex, you are such a positive, courageous, beautiful and strong human being! I know you can beat this. God has a great plan for you. We love you and will walk with you through every step of this journey. Continue to be in high spirits. You’re not alone,” mensahe ni Ruffa sa hipag.

Sa Instagram post naman ni Alexa, sinabi niyang in time ay ibahahagi rin niya ang kanyang kondisyon.

“HOPE IN THE DARK 

“In time, I will be sharing what I am going thru not to make you feel heartbroken, sad, sorry for me. Some of you might think that I’m at my lowest but I understand God has a purpose for me.

“As I share my life with you progressively I hope this encourages you to also see God is bigger than any of your problems and maybe write all that God has graced you with,” saad ni Alexa.

Show comments