SPEEd, may bagong president

SPEEd

Pormal nang inihayag ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd ang pag-upo ng bago nitong pangulo na si Salve Asis ng pahayagang ito – Pilipino Star Ngayon at Pang Masa – na kabilang sa PhilStar Media Group.

Siya ang hahalili sa posisyon ng dating pangulo ng SPEEd na si Eugene Asis, entertainment editor ng People’s Journal na dalawang taon ding nagsilbi bilang presidente ng grupo.

Nagsimula ang SPEEd bilang isang social club ng mga entertainment editor mula sa iba’t ibang national broadsheet, at mga nangungunang tabloid at online portal sa Pilipinas.

Sinimulan ito ng yumaong entertainment editor ng Manila Standard at president emeritus ng SPEEd na si Isah V. Red.

Prioridad ng grupo ay ang pagdaraos ng 7th edition ng The EDDYS o The Entertainment Editors’ Choice movie awards ngayong 2024.

Ipagpapatuloy rin ng kanyang liderato ang pagsasagawa ng charity programs na isa sa mga adbokasiya at tradisyon ng grupo mula nang ito’y mabuo.

Bukod dito, tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong at pagsuporta ng SPEEd sa movie industry pati na rin sa lahat ng mga indibidwal at grupo na walang-sawang nagtataguyod sa kapakanan ng mga taga-industriya.

Ang ilan pang nahalal na opisyal ng SPEEd ngayong taon ay sina Tessa Mauricio-Arriola (The Manila Times) bilang Internal Vice President at Gerry Olea (Philippine Entertainment Portal) bilang External Vice President.

Sina Gie Trillana (Malaya) at Maricris Nicasio (Hataw) naman ang nahalal na Secretary habang si Dondon Sermino (Abante) at Dinah Sabal Ventura (Daily Tribune) ang Treasurer at Assistant Treasurer.

Muling magsisilbing PRO sina Ervin Santiago (Bandera) at Nickie Wang (Manila Standard) habang si Rohn Romulo (People’s Balita) naman ang bagong Auditor.

Ang iba pang miyembro ng SPEEd ay sina Neil Ramos ng Tempo, Robert Requintina ng Manila Bulletin, Nathalie Tomada ng Philippine Star, Ian Fariñas ng People’s Tonight, Dindo Balares (dating entertainment editor ng Balita) at Rito Asilo ng Philippine Daily Inquirer.

Magsisilbi namang mga adviser ng grupo sina Nestor Cuartero ng Tempo / Manila Bulletin at ang former president na si Eugene Asis.

Show comments