Scarlet, gusto nang tumira sa Spain!

Scarlet, Hayden at Vicki

MANILA, Philippines — Ang bongga naman ng unica hija nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow na nasa Spain para sa kanilang holiday trip.

Ibinahagi ni Scarlet ang mga litrato nila sa social media sa pagpunta roon. Lutang ang pagka-enjoy niya sa pamamasyal.

Caption niya sa kanyang post ay lahat daw ay maganda sa lugar at binisita pa ang mga kaibigan ng kanyang mommy at daddy.

Mukhang nag-enjoy siya nang sobra roon dahil gusto na raw niyang tumira roon! Sey niya, “I think I want to live here. God, if you’re listening...”

May balak nga kayang bumili ng property roon ang mag-asawang Dra. Vicki at Hayden? Hindi naman imposible lalo na kung na-in love talaga sila sa lugar. Gaya nga ni Bea Alonzo na may property na rin doon na nakabili na ng apartment.

Ang suwerte talaga ng daughter nila na sa edad na walong taon ay marami na ang napupuntahang lugar at hindi basta-basta dahil nakakarampa siya sa iba’t ibang bansa at kasalukuyan ngang nasa Malaga, Spain.

Noong seven years old siya ay nakapunta na pala siya sa 20 countries at ngayon kaya, ilan na ang nadagdag?

Show comments