Rayver, ‘di mailapag ang regalo ni Julie Anne

Rayver Cruz

MANILA, Philippines — Yakap-yakap ni Rayver Cruz ang Christmas gift ng girlfriend niyang si Julie Anne San Jose ang maleta na mamahalin ang brand. Personalized pa ‘yung luggage tag na may pangalan na “RAY.”

Pahiwatig ito na maraming biyahe ang gagawin ng JulieVer loveteam. Bukod kasi sa personal trips, may shows din silang gagawin para sa Kapuso OFWs. ‘Yung huling trip nila sa Israel ay nakansela ang show dahil sa pag-atake ng Hamas sa Gaza Strip.

Sa IG Story ni Rayver, ito ang nilagay niyang caption sa gift nito sa kanya:

“Thank so much my love. Gamitin ko ito sa lahat ng travels natin. I love you so much. Kahit sa pagtulog ko dala ko toh hehehe”

Reply naman ni Julie ay: “Aww sweet mahal! To more travels together. I love you so much!”

Team Jolly, nakipag-bonding sa K-stars

Ang suwerte ng Team Jolly nina Sofia Pablo at Allen Ansay dahil personal nilang na-meet ang South Korean stars na sina Park Seo-joon and Han So-hee!
Sa Instagram nag-share si Sofia ng photos nila together sa isang malaking event ng Netflix na ginanap sa Bangkok, Thailand.
“Hi @bn_sj2013 and @xeesoxee,” caption pa ng Sparkle teen star na nakasama rin ang mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Bida sina Park Seo-joon at Han So-hee sa Netflix series na Gyeongseong Creature.

Set in the city of Gyeongseong in 1945, ang Gyeongseong Creature ay tungkol sa mga lumalaban sa creatures born out of human greed. Kasama rin sa cast ay ang Squid Game star na si Wi Ha-joon.

Jo Koy, bibida sa Golden Globes!

Ang Filipino-American stand-up comedian na si Jo Koy ang magiging host ng 2024 Golden Globes na magaganap sa Beverly Hilton on Jan. 4, 2024 and aired live on CBS and streaming on Paramount+.

“I’ve stepped onto a lot of stages around the world in my career, but this one is going to be extra special. I’m so excited to be hosting the Golden Globes this year. This is that moment where I get to make my Filipino family proud. Mahal Kita (Google it)!” sey pa ni Jo Koy.

Ayon pa kay Golden Globes President Helen Hoehne: “We are thrilled to have Jo host the 81st Annual Golden Globe Awards and bring his infectious energy and relatable humor to kick off Hollywood’s award season. We can’t wait to see what he has in store for the stars in the room and a global audience. We know Jo is bringing his A-game.”

Show comments