Isang MMFF entry, may demolition job?!

Direk Chito

Nagsalita na si Noel Ferrer, spokesperson ng Metro Manila Film Festival committee kaugnay ng padamay kay direk Chito Roño sa kumalat umanong smear campaign sa isang festival movie.

Hindi naman daw totoo ‘yon. Hindi naman ang gaya ni Chito ang magkakalat na pangit ang isang movie dahil director din siya.

Sa isang banda naman, may nababasa kaming demolition job daw sa isang entry. Dahil kaya sa konti lang ang nakuhang sinehan?

Naku, luma na kasi ang bida ng movie.

Wala naman kasing interesado na sa bidang ito.

May duda naman ang isang kaibigan na parang galing din sa kampo ng actor ang paninirang ito dahil isang grupo lang naman ang maglalabas nito sa social media na parang bayad, huh!

Ay oo nga pala, nagamit ang bida sa isang event ng samahan! Bilang ganti na lang marahil sa services ng actor.

Show comments