Walang naging aberya ang Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival this year.
Walang nagreklamo na na-traffic sila o na-hassle dahil sa nasabing parada.
Mukhang napaghandaan ng host cities na – Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.
Hindi makakalimutang Parade of Stars ‘yung 2018 kung saan lumubog sa putikan ang mga float na ang host city ay Parañaque dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan noon.
Anyway, pabonggahan ang 10 official entries sa naturang parada, ang gaganda ng float – A Family of 2 (A Mother and Son Story), Kampon, Penduko, Rewind, Becky and Badette, Broken Heart’s Trip, Firefly, GomBurZa, Mallari, and When I Met You in Tokyo.
Malalaman sa Gabi Ng Parangal kung sino ang winner ng Best Float.
Andun din halos lahat ang mga bida ng pelikula – Sharon Cuneta and Alden Richards, Derek Ramsay / Beauty Gonzalez, Matteo Guidicelli, Dingdong and Marian Dantes, Piolo Pascual, Christopher de Leon at marami pang iba.
At ang sabi, hindi umano bababa sa 2,500 government personnel ang ipinakalat kaya naman talagang naging organized ang lahat.
Ang aabangan na lang ngayon ay kung magkano ang kikitain ng MMFF this year na magbubukas sa mga sinehan sa Pasko.
Ginawa ng MMFF at ng mga producer ng 10 official entries ang lahat upang ayain ang mga manonood na lumabas at manood ng sine.
Ang MMFF 2023 ay tatakbo mula Dec. 25, 2023 hanggang Jan. 7, 2024 habang ang Gabi ng Parangal ay nakatakdang idaos sa Kia Theater sa Dec. 27.