Parang in her late 20s lang ang aura ni Ina Raymundo as she turned 48 years old noong nakaraang Dec. 9.
Bilang pag-celebrate ay nag-post ang Sabado Nights Girl ng video sa TikTok kung saan sumasayaw siya sa Beautiful Liar nina Beyonce at Shakira. “Note to self as I turn a year older today: Keep pursuing your passion,” caption pa niya.
Umani ng maraming positive comments ang birthday dance video niya mula sa mga Gen Z na hindi makapaniwala na 48 na siya at may limang anak.
Mukha pa rin kasi siyang dalaga at sine-share nito ang kanyang secret to looking young: eat the right food, exercise daily and have a positive attutude. Pinakaimportante raw ay ang self-love.
Sixteen years old si Ina noong pasukin niya ang paggawa ng TV commercials at print ad modeling.
In 1995, ni-launch siya bilang Sabado Nights Girl ng isang sikat na brand ng beer. In the same year, ginawang pelikula ang Sabado Nights na siya ang bida.
Ilan pa sa mga nagawa niyang movies ay Bikini Watch, Sobra-Sobra Labis-Labis, Masamang Damo, Bridesmaids, The Onyok Velasco Story, Eseng Ng Tondo, Burlesk Queen Ngayon, Madame X, Tuhog, Ang Alamat Ng Lawin at Kuya Wes.
Matteo, walang sawang mag-aral
Hindi rin nagsasawang mag-aral si Matteo Guidicelli. Kahit na marami na siyang achievements sa career at personal na buhay, patuloy lang siya sa pag-aaral para madagdagan pa ang kanyang kaalaman.
Kelan lang ay tumanggap ang Unang Hirit host ng kanyang marketing management degree mula s University of San Jose-Recoletos in Cebu City through the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation program (ETEEAP). Pinost sa Facebook ng naturang university ang pag-graduate niya.
Nagbigay siya ng kanyang speech para sa kanyang fellow graduates at sinabi nito na “the importance of responsible usage of social media and the power of perception.” Inudyok din niya ang marami na maging “catalysts of positive change.”
Bukod sa bagong marketing degree, nakapagtapos siya ng theater course sa Brent International School in Laguna at musical theater course sa Columbian College in Chicago.
Kumuha rin siya ng four-week acting workshop sa New York Academy in Los Angeles.
Nag-train at isang certified Philippine Army reservist second lieutenant ang Black Rider star.