MANILA, Philippines — This week ay magsisimula nang mapanood si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa top-action series na Black Rider, kaya may nagtanong kung siya raw ang magiging leading lady ni Ruru Madrid sa serye.
Wala pa kasing lumalabas na leading lady ni Ruru dahil guest appearance lang naman si Kylie Padilla sa simula at hindi pa rin nadi-develop ang character ni Yassi Pressman ngayon sa story. Pero sa isang interview kay Michelle, sinabi niyang “honestly, I want to be able to shine on my own, not have to link or depend on a love team.”
Pero inamin din niya na marami siyang dream co-actors like si Alden Richards na nakasama niyang nag-judge noon sa Miss Filipina International 2023 in California, USA. Of course si Ruru at si Piolo Pascual, at Xian Lim din.
Maraming offers na natatanggap si Michelle, pero gusto niya talagang mag-concentrate sa acting kaya ngayon ay inaabangan na kung anong role ang gagampanan niya sa Black Rider, na napapanood gabi-gabi, 8:00 p.m. sa GMA 7 after ng 24 Oras.
Kylie, dinamay rin sa pinagdadaanan ni Daniel
Tungkol pa rin sa breakup nina Kathryn at Daniel, may mga kasamahan na rin sila sa industriya na nadadamay, isa na rito si Kylie Padilla na pinsan ni Daniel. Magpinsan sila dahil ama ni Kylie si Robin Padilla na kapatid naman ng ama ni Daniel na si Rommel Padilla. Kaya si Kylie, hindi na rin nakatiis sumagot sa pandadamay sa kanyang pangalan at nag-post siya sa social media ng “OMG the world we live in!!! Protect your mental health, ok? Don’t get into anything that might disturb your peace.”
Huwag nga raw magpaapekto ang netizens sa mga nangyayari. Irespeto na raw lamang ang pinagdadaanan ng kanyang pinsan at ni Kathryn. “Gusto ko kayong sagutin pero nirerespeto ko sila, they are human too and need to process their pain. If we could try to respect that without adding fuel to the fire would be much healthier for them,” dagdag pa ni Kylie.
Sa ngayon ay naghahanda na siya sa pagpasok ng character niya sa Encantadia Chronicles: Sang’gre na muli siyang gaganap sa role ni Sang’gre Amihan at nagsimula nang mag-shoot si Director Mark Reyes ng serye na mapapanood next year.