Nagbabalik din sa GMA si Michelle Vito na lumabas noon sa Kapuso teleserye na Nita Negrita at sa teen drama series na Reel Love Presents Tween Hearts.
Kabilang si Michelle sa cast ng Lovers/Liars kung saan gaganap siya bilang isang single mother na dumaan sa maraming pagsubok.
“Hindi ito ‘yung usual Michelle na napapanood n’yo rati, o ‘yung maarte o pa-cute o pa-tweetums. This one is more mature. Sobrang strong ng personality ng character ko because growing up marami siyang pinagdaanan sa buhay. Marami siyang pinasukan na work para lang makaraos siya sa buhay niya.
“As a single mom, lahat ginagawa niya para sa anak niya. Ang lahat nang ginagawa niya sa life, umiikot lang sa anak niya kasi iyon ‘yung naging buhay niya,” sey ni Michelle na nasanay nang gumanap na kontrabida sa mga nagawa na mga teleserye.
Shamcey, ‘di na humabol sa El Salvador!
Nagkaroon ng last minute decision si Shamcey Supsup na hindi na ito makakalipad pa for El Salvador para mapanood ng live ang 2023 Miss Universe.
Ayon sa national director ng Miss Universe PH at Miss Universe 2011 3rd runner-up na may mga commitment siya rito sa Pilipinas na hindi niya puwedeng iwan. Kahit na wala ang physical presence niya pageant, pinagdarasal niya ang tagumpay ni Michelle Dee.
“I will be cheering for Michelle in spirit and prayer. Michelle is someone who genuinely uses her platform to uplift others,” sey ni Shamcey.
Thankful din si Shamcey sa support ng maraming Pinoy kay Michelle kaya napabilang ito sa Top 10 Silver finalists ng Miss Universe Voice for Change competition.
Ang iba pang finalists ay sina Angola, Brazil, Chile, Lebanon, Puerto Rico, Singapore, South Africa, Ukraine at Zimbabwe.
Rapper Sean “Diddy” Combs, kinasuhan ng ex-gf
Kinasuhan ng rape, physical abuse at sex trafficking ang rapper na si Sean “Diddy” Combs. Ang nag-file ng kaso ay ang ex-girlfriend nitong si Cassie Ventura.
“After years in silence and darkness, I am finally ready to tell my story, and to speak up on behalf of myself and for the benefit of other women who face violence and abuse in their relationships. With the expiration of New York’s Adult Survivors Act fast approaching, it became clear that this was an opportunity to speak up about the trauma I have experienced and that I will be recovering from for the rest of my life,” sey ni Cassie na naganap ang pang-aabuso sa kanya ni Diddy sa sarili niyang tahanan.
Dagdag niya that she was “punched, beat, kicked and stomped resulting in bruises, burst lips, black eyes and bleeding and forced to engage in sex acts with male sex workers.”
Saksi nga raw sa pang-aabuso kay Cassie ay ang staff ni Diddy na tumahimik na lang dahil tinakot sila ng boss nila.