MANILA, Philippines — Intimate ang kasal ni LJ Reyes sa negosyanteng si Philip Evangelista.
Ayon sa isang relative ng ikinasal, parang 100 lang daw ‘yung guests pero super fun kahit umulan.
Sa boss daw ni Philip ‘yung property na pinagdausan ng kasalan sa Northport Village on Long Island, New York.
Nasa real estate business ang pinakasalan ng ex ni Paolo Contis.
Ginanap ang kasal ng 5:00 a.m. Philippine time pero 5:00 pm New York time.
Ang mga ‘di raw naka-attend na family members ay nanood lang via live streaming.
Wala rin daw halos entourage ayon sa source. “Nag-flower girl lang po ‘yung anak ni LJ na bunso (Summer), sumunod si Aki, then ung anak na ni Phil. And sunod na si LJ,” pagdi-describe ng relative ng bagong kasal.
Tumagal lang daw ang 25 minutes ang wedding ceremonies.
Maulan daw at ginanap ito sa tent.
Backyard semi-formal ang outfit ng kasalan.
Masaya raw ng vibe kahit maulan at nagtatawanan ang bagong kasal habang ginaganap ang seremonyas.
Ang kanilang vows, nagpasalamat sila at nahanap nila ang isa’t isa.
“It had been quite a journey to get you, but everything made sense when I met you. I feel so grateful and blessed to have found you, my home, to have found someone so much like me in so many ways, to share the same beliefs and values that I do, but most importantly, a person I can fully swear my life to. I knew you were the one when everything I wanted in a partner, I found in you,” bahagi ng vow ni LJ.
Pangako naman ni Philip: “I thank God for meeting you. You give me love that I never knew was possible. You are such an amazing person. I love how you are and how you take care of the kids and me. I look forward to waking up with you every morning and making you an oat latte, but I want to make sure that I keep it at room temperature for you. But most importantly, I promise to be patient, to love and cherish you in all the days of my life.”
Early 2021 nang maghiwalay sina LJ and Paolo Contis dahil diumano kay Yen Santos.
Pumunta noon sa New York si LJ kasama ang dalawang anak kina Paulo Avelino at Paolo (at another P ngayon) at doon niya nakilala si Philip na hiwalay rin sa ina ng kanyang anak.
Ricardo Cepeda, hindi nakaimik sa syndicated estafa
Wrongfully accused nga ba si Ricardo Cepeda sa kasong syndicated estafa?
Ang sabi, brand ambassador lang diumano ng nasabing sales company ang dating mister ni Snooky Serna.
Nag-o-offer daw ang nasabing kumpanya ng investment scheme na wala diumanong alam ang actor.
At tulad sa maraming scam, nangangako raw ang kumpanya ng malaking profit buwan-buwan at may guaranteed advance payouts sa pamamagitan ng monthly postdated checks.
Hanggang nagba-bounce na ang check kaya nag-file na ng estafa cases ang mga investor.
Inaresto nga si Ricardo Cepeda sa Caloocan City sa kasong syndicated estafa noong nakaraang Biyernes.
Ayon sa mga report, nahuli ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 57-anyos na actor na si Richard Cesar Go sa totoong buhay sa isang restobar sa Mabini street sa Maypajo bandang alas-11 ng umaga.
Dala nga raw ang warrant of arrest laban kay Ricardo ng mga pulis na humuli sa kanya para sa kasong syndicated estafa sa ilalim ng Article 314 ng Revised Penal Code in relation to Presidential Decree 1689.
Hindi na diumano nanlaban ang kasalukuyang partner ng dating beauty queen na si Marina Benipayo nang ikulong siya ng mga pulis.
Ang warrant of arrest ay inilabas ni Regional Trial Court Branch 12 Judge Gemma Bucayu-Madrid sa Sanchez Mira, Cagayan.
Wala raw ibang detalye tungkol sa mga kaso nito.
Sa ilalim ng PD 1689, habambuhay na pagkakakulong ang ipinapataw sa syndicated estafa na binubuo ng lima o higit pang mga tao na may layuning isagawa ang labag sa batas o iligal na pagkilos, transaksyon, negosyo o pamamaraan, at ang pandaraya na nagreresulta sa maling paggamit ng pera na iniambag ng mga stockholder, o miyembro ng rural banks, kooperatiba, at kung anu-ano pa.
Last week naman ay nagsampa ng kaso ang mag-jowang sina Mikee Quintos and Paul Salas sa Makati City Prosecutor’s Office dahil na-scam din sila.
Nag-invest sila sa cryptocurrency group at ang nakuha diumano sa kanila ay almost P8 million.
Tulad sa mga iba pang nangyaring scam, pinangakuan sila na dodoble ang pera nila ‘pag nag-invest sila.
Pero ayon sa interview sa Kapuso stars, hindi na sila binalikan.
Sa umpisa ay nakaka-deliver ang mga scammer pero ‘pag nakalipas na ang ilang linggo, nawawala na.
Payo pa ng actor, ‘wag masyadong magtiwala lalo na kung pinaghirapan mo ang pera mong i-invest.
Malaki rin ang nawalang pera kina Luis Manzano at Tom Rodriguez sa scammer.
Ganundin diumano si Sunshine Dizon.
Ang nakakataka lang sa rami ng nagpapaalala na ‘uy ‘wag basta maniwala sa mga pangakong dodoble nang mabilisan ang pera n’yo’ ang dami pa ring naloloko. Na ang iba lifetime savings pa ang nalilimas.
Ibig sabihin marami rin talagang gustong magkapera sa mabilis na paraan. Pero walang ganun sa totoong buhay.