Grabe talagang hanggang Amerika, mahina rin ang pelikulang Tagalog, I mean pelikulang pinagbibidahan ng local star.
Talaga raw, mabibilang mo lang sa ‘yong daliri ang nanonood dito.
Imagine ‘yun daw pelikulang 1521 na pinagbibidahan ni Bea Alonzo, aapat ang nanonood sa isang sinehan doon.
Nagulat daw ang ilang Pinoy doon na umasang kikita ang pelikulang ‘yun na pinagbibidahan ng Kapuso actress.
Sayang noh.
Nilagare pa naman daw ni Bea ang pelikulang ito nung ginagawa niya ang teleseryeng Start-Up.
Ang dami talagang Tagalog films ang nagdurusa sa kasalukuyan sa takilya.
Hindi na nga nila alam kung paano i-encourage ang mga tao na manood ng sine.
Kung pwede lang nga sana silang sunduin gagawin siguro ng mga producer para dalhin sa mga sinehan.
Na umabot na pala hanggang Amerika.
Drag queen na si Pura Luka, arestado!
Maraming nagbunying netizens nang arestuhin ang drag queen na si Pura Luka Vega matapos ‘di dumalo sa preliminary investigation ng kasong kriminal na isinampa laban sa kanya sa Maynila.
Inilabas ang warrant of arrest kahapon sa kabila ng paghahain nito ng motion for reconsideration.
Habang hindi nakakapag-bail ay mananatili muna sa kulungan si Pura.
At nakakaloka, nanghihingi ang team nito nang pangpiyansa.
Nauna na siyang idineklarang persona non grata ng Maynila dahil sa kontrobersyal na Ama Namin (Our Father) performance.
Maalala ngang nag-trending ang video ng nasabing performance ni Pura Luka Vega habang nakausot siya ng pang-Santo.
Kaila at Kim, nagpisikalan!
Grabe look-alike ni Beauty Gonzalez si Kaila Estrada.
As in pagpasok niya sa press preview / media conference, akala talaga namin ay si Beauty ‘yun.
Pero ang advantage ni Kaila, ang tangkad niya, 5’7.
Anyway, ang ganda ng role ni Kaila sa suspense drama na Linlang starring Kim Chiu, Paulo Avelino and JM de Guzman.
Kaya naman, nanghingi siya ng pointers sa kanyang mommy, Janice de Belen.
Nasaktan mo talaga si Kim physically?
“Abangan. Abangan ninyo na lang din po pero ‘yun I mean parang physical po ‘yung eksena, it’s very physical and it came that way because she was also super professional and super generous with her acting and okay kami, okay kami talaga. And it was such a praise working with her.”
Gaano katagal ang eksena?
“Hindi ko na rin po alam eh. I guess because you know it seems like that. It feel like it’s also technically difficult kasi you know the movement and everything ‘di ba may several shots in the scene. So hindi ko na rin po masabi kung gaano po katagal.”
Kasi umabot siya sa floor ‘di ba?
“Tinanong ko rin po siya. Nasabi naman po niya hindi po. Tatanungin ko po ulit siya mamaya.”
“And she also tells me to relax and not overthink kasi sabi niya minsan ‘yung mga ganon ‘yun pa ‘yung magki-create ng mga problems as you get on set. So sabi niya, “just relax, you know your script, you know your character kaya mo yan” ‘yung mga ganon. Mga simpleng ganon lang ni mama. Feeling ko marinig ko lang siyang magsalita okay na talaga ako eh kaya ayun.
Mga ibang eksena kasi nga alam niyang kinakabahan ako and she always gives me the best advice.
Gaganap bilang mag-asawa na may mga lihim at tinatagong pantasya.”
Anyway, mapangahas na mga karakter ang bibigyang buhay ng Kapamilya stars na sina Kim Chiu, Paulo Avelino, at JM de Guzman sa bagong suspense-thriller series na Linlang, na likha ng ABS-CBN at Dreamscape, at eksklusibong ipapalabas sa Prime Video sa Oktubre 5.
Makakasama rin nina Kim, Paulo, at JM ang mga premyadong aktres na sina Maricel Soriano at Ruby Ruiz.
Kabilang din sa serye sina Jaime Fabregas, Raymond Bagatsing, Albie Casiño, Jake Ejercito, Heaven Peralejo, Adrian Lindayag, Race Matias, Benj Manalo, Lovely Abella, Frenchie Dy, Ross Pesigan, Hanna Lexie, Juno Advincula, Connie Virtucio, Lotlot Bustamante, Meann Espinosa, Danny Ramos, Bart Guingona, Marc Mcmahon, Anji Salvacion, at Kice. Sina FM Reyes at Jojo Saguin naman ang mga direktor ng serye.