Heart, winelcome si Anne sa Paris!

Heart
STAR/ File

Tuwang-tuwa ang fans nang makita ang photo nina Heart Evangelista at Anne Curtis na magkasama fashion show ng Loewe sa Paris Fashion Week. Request ito ng fans nina Heart at Anne na makita sila in one photo at naganap na nga.

Bale ba, nag-comment pa si Heart sa post ni Anne ng “Support welcome annieeee,” na ikinatuwa ng kanilang fans. May mga comment na “Yayyy! Heart and Anne- the only Fashion Queens of the Philippines” at “@iamheart @annecurtissmith my heart is full.”

First Paris Fashion Week ito ni Anne, kaya winelcome siya ni Heart na fixture na sa mga fashion week, kasama ang Paris Fashion Week. Kumbaga, sanay at gamay na niya kung paano kumilos at rumampa sa mga ganitong shala event.

Ang hindi pa natutupad na wish ng fans ay makita in one photo sina Anne, Heart at Pia Wurtzbach na dumalo rin sa PFW. Sina Heart  at Pia nga ay galing pa sa Milan Fashion Week, pero mukhang hindi sila nagkita.

Inaabangan pa naman ang pagkikita nina Heart at Pia dahil ang former glam team ni Heart ay na kay Pia na.

Anyway, ano kaya ang susunod na fashion week at kung didiretso roon sina Anne Heart, at Pia? Ang saya lang na hindi na lang si Heart ang inaabangan ng mga Pinoy sa mga fashion week, pati na sina Anne at Pia. Rumampa na rin pala sa Milan Fashion Week si Andrea Brillantes at Liza Soberano.

Kyline, sinagot ang blind item ng co-star sa pananampal!

Controversial na naman si Mariel Pamintuan dahil sa mga TikTok at vlog niya. Last year, naging controversial ang Sparkle artist nang i-vlog na hindi masarap ang food sa 2022 GMA Gala Night. Ang daming reaction sa vlog niyang ‘yun and in fairness, nag-sorry naman ito sa GMA.

Pero, ang comment, dapat hindi na raw siya naiimbita sa mga party ng network. Kaya lang, invited at present siya sa GMA Gala Night 2023 at wala na siyang reklamo sa food. Nag-behave si Mariel.

Ang nagpa-controversial sa kanya this time ay ang TikTok na kung saan, nag-blind item ng co-star na kahit daw sinabihang i-fake lang ang pagsampal sa kanya at ‘wag lakasan, nilakasan pa rin. Nabingi raw siya at humiwalay ang kaluluwa niya sa lakas ng sampal ng kanyang kaeksena.

Hirit pa ni Mariel, na-take two ang eksena kaya feeling niya nakaganti siya sa kaeksena na hindi binanggit ang pangalan. Kaya lang, nalaman pa rin kung sino ang blind item niya dahil nag-comment sa kanyang TikTok.

Si Kyline Alcantara pala ang blind item ni Mariel na nag-comment ng “Bakit di nyo po minention pangalan ko. madam mariel?”

Hindi pa sinasagot ni Mariel ang tanong ni Kyline at hindi na rin naman mababasa ang comment ni Kyline dahil dinelete na nito. Kanya-kanya naman ng comment ang fans nila, kanya-kanya sila nang pagtatanggol at sa ginawang ito ni Mariel, papayag pa kaya si Kyline na makasama siya sa trabaho?

Sabagay, blind item ang ginawa ni Mariel at ikinuwento lang ang experience niya bilang starlet at hindi pa sikat. Siya mismo ang nagsabing starlet siya, kaya walang dapat ipag-react ang kanyang supporters.

Gagawin ni Kyline sa GMA 7 ang adaptation ng Korean novela na Shining Inheritance  at ang request ng fans, isama sa cast si Mariel at bigyan sila ng sampalan scene ni Kyline. Dapat daw malakas ang sampal ng isa’t isa sa bawat isa para ma-quits sila.

Show comments