Sophie, Itinatago pa rin ang koneksyon kay Kris!

Sophie

Konektado si Sophie Albert kay Kris Aquino. Nagmula siya sa angkan ng mga Cojuangco at Reyes, at pamangkin siya ni Kris.

Kaya may K si Sophie sa showbiz pero ‘di niya ito ginagawang hagdan para sumikat.

Ikinuwento ni Sophie kung bakit hindi niya ginamit ang apelyidong Cojuangco nang pasukin niya ang showbiz. “And I felt like it was such a big responsibility to make it Cojuangco, and I grew up not having that in my name. So I chose to have my mom’s middle name instead,” pahayag niya sa programa ni Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda.

Ang lola niyang si Josephine Cojuangco-Reyes, na ina ng tatay niya, ang nakatatandang kapatid ni dating Pangulong Corazon Cojuangco-Aquino, na nanay naman ni Kris.

Hindi naman daw sa ayaw niya ang dalawang apelyido pero marami na raw Reyes sa showbiz kaya tinanong siya kung gusto niyang gamitin ang Cojuangco pero mas pinili niyang ibahin ang kanyang apelyido.

Hindi rin daw sila masyadong nagkikita ng kanyang tiyahin na si Kris, at malaki raw ang agwat ng edad ng tatay niya sa nanay nina Joshua at Bimby.

Kahanga-hanga naman ang ginawa ni Sophie dahil maaari siyang matulu­ngan ng kanyang apelyido sa pagpasok sa showbiz pero mas pinili niyang hindi ito gamitin. Bongga.

Show comments