Cristine, ayaw nang maghubad!

Cristine Reyes

MANILA, Philippines — Bongga si Empoy Marquez, katambal niya ang sexy actress na si Cristine Reyes. Kaya pulos katatawanan ang ginanap na presscon nito sa Araneta Center.

Pinamagatang Kidnap For Romance mula sa direksyon ni Victor Villanueva ang pelikulang pinagtambalan nila.

Mukhang may rapport at hindi nakitaan ng problema ang pagsasama nila. Kaya naitawid nang maayos ang shooting ng pelikula. Panay patawa nga ang mga patutsada ni Empoy na kinaaliw ni Cristine.

Sa Sept. 6 ang opening nito sa mga sinehan.

Malayo na rin ang narating ni Empoy sa showbiz kung tutuusin.

Ngayon ay pangarap niyang makasama sa project si Kaye Abad na active pa sa showbiz.

Si Cristine naman ay iwas na sa sexy roles at mas gusto na niya magpaka-wholesome.

Sen. Bong, walang planong magretiro sa showbiz

Masaya si Senator Bong Revilla sa achievements niya sa 50th anniversary niya sa showbiz.

Sa movie muna raw siya nagfo-focus ngayong naka-season break ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

May binanggit siyang project kasama si Jillian Ward na ang tentative title ay Lagot Ka Sa Tatay Ko na wish niya ay makasama sa upco­ming Metro Manila Film Festival 2023.

Wala pang balak magretiro si Sen Bong sa showbiz kahit limang dekada na siyang napapanood sa pelikula at telebisyon.

Show comments