Scarlet, may future sa pagiging supermodel!

Scarlet at Hayden

MANILA, Philippines — Rumampa rin pala ang anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet sa Isang Pilipinas fashion show.

Ito ang fashion show kung saan inirampa ang Filipiniana collection ng Filipino fashion designer na si Michael Leyva sa Goldenberg Mansion, Malacañang Palace.

Sa edad na eight years old ay nakipagsabayan si Scarlet sa mga fashion model at may future ito sa pagmomodelo. Ito raw ang kanyang first catwalk suot ang Filipiniana ni Michael Leyva.

Kasama niyang rumampa ang daddy Hayden niya at ibinahagi ni Scarlet na dito rin daw sa same venue na ito ang huling show ng kanyang daddy, na kanya namang first catwalk.

Kasama ring rumampa sa fashion show na ito si Heart Evangelista.

Ang gandang tingnan ng mag-ama na halatang na-enjoy ni Scarlet ang kanyang pagrampa. Inamin niyang kinabahan siya sa pagrampa pero hindi raw siya pinabayaan ng tatay niya.

Mukhang tini-train na rin ang bagets sa pagsali sa pageant dahil nag-aral na rin itong rumampa at mag-pose na gaya ng isang beauty queen mula sa supermodel trainer na si Ian Lorenz.

Hindi imposible na maging supermodel din siya sa future dahil lalo pa itong gumaganda habang lumalaki. Siguradong mas gagaling pa ito sa pagrampa. Bongga.

Show comments