Ricci, may mabahong amoy!

Ricci Rivero at Andrea Brilliantes

Bugbog-sarado na naman ang cager-turned actor na si Ricci Rivero sa bagong pasabog ng ex-GF niyang si Andrea Brilliantes!

Sa exclusive interview ni Vice Ganda kay Andrea, napag-usapan ang mga gamit na binigay ni Andrea kay Ricci. Natanong ang young actress kung may balak ba siyang bawiin ang mga ito.

Bahagi ng tugon ni Andrea, “Mawawalan siya ng gamit sa condo kapag binawi ko!” Ay, marami-raming gamit ‘yon!

Tama rin ba ang nabasa namin sa social media na may sinabi rin si Andrea sa amoy ni Ricci? Naku, naku, naku! Ibang usapan na ‘yang amoy, huh!

Naku, gaya ng dati, trending sa Twitter PH ang hashtag na #Ricci.

Kailangan na ni Ricci ng damage control lalo na’t pagkatao na niya ang nayu­yurakan, huh!­

Sitcom ni John Lloyd sisibakin na sa August

Hanggang August 6 na lang ang airing ng John Lloyd sitcom na Happy TogetHer sa GMA.

Nagpalabas na ang GMA at Crown Management ng statement kaugnay ng pagtatapos ng sitcom sa huling season nito.

Bahagi ng statement, “GMA Network and Crown Management, Inc.  will still work on possible future collaborations, especially with the award-winning actor and Box-Office King John Lloyd Cruz.

“For the meantime, Happy ToGether will continue to bring laughter and good vibes to viewers until August 6, every Sunday at 6:50PM on GMA-7.”

Mula sa pamamahala ni Maja Salvador ang Crown Management na artist si John Lloyd.

Gagawa na kaya ng movie under GMA Pictures si John Lloyd ngayong pahinga muna siya sa sitcom?

Show comments