Bernadette, It’s Showtime’s Imogen, kakanta at sasayaw

Makikikanta at makikisayaw si Bernadette Sembrano kasama si Imogen mula sa Isip Bata ng  It’s Showtime sa Tao Po ngayong Linggo (Hulyo 16) simula 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel at A2Z.

Magkukwento si Imogen, na anak ng Six Part Invention vocalists na sina ni Rey at Kaye Cantong, tungkol sa pagtupad sa kanyang mga pangarap bilang mang-aawit at ibabahagi ang kanyang naging kontribusyon sa kanyang unang single na Da Da Da, na may kabuuan na 301,000 views and streams sa YouTube at Spotify.

Samantala, tatahakin ng Patrol ng Pilipino correspondent na si Jervis Manahan ang Discovery Trail sa Masungi Georeserve kasama ang environmental defender na si Kuhkan Maas, na binaril noong 2021 sa habang nasa duty. Ipapakita ni Jervis ang mga paralelismo sa buhay ni Maas at ang mga ektarya ng lupang kanyang ipinaglalaban mahigit isang dekada na.

Makakasama rin ni Kabayan Noli de Castro ang 3D artist na si Jonathan Librando, na gumagawa ng makatotohanang art, tulad ng sampung pisong perang papel na may mukha ni Kabayan. Nakatanggap din si Jonathan ng mga kagamitan mula kay Kabayan, na makakatulong sa pagpapatuloy ng kanyang hilig.

Show comments