Naka-move on na talaga si Maureen Wroblewitz dahil may nagbigay pugay siya sa isang unidentified man on social media, na hula ng marami ay bagong karelasyon niya.
“The one that makes me feel like I’m the luckiest girl in the world. Not only because you are kind, patient, understanding with the most beautiful heart and soul but most importantly, because your gentle love teaches me how I can love myself more every day,” caption pa ng former Asia’s Next Top Model winner.
Naging kontrobersyal ang pakikipaghiwalay ni Maureen sa singer na si Juan Karlos noong nakaraang taon. Una silang nagkakilala ng gawin nila ang music video ng hit single na Buwan noong 2017.
Jillian, pinayuhan ang fan na child actress
Big fan pala ang bagong Kapuso child actress na si Sienna Stevens ng former child star na si Jillian Ward.
Nagkaroon ng pagkakataon si Sienna na bisitahin ang idol niya sa set ng Abot-Kamay Na Pangarap. Noong magkita na sila, sinabi ni Sienna kay Jillian ay: “Idol po kita, gusto ko maging Daldalita.”
Natawa si Jillian at sinagot kay Sienna ay: “Bakit hindi, ‘di ba! Guys, puwede Daldalita. Pero makikipag-usap sa mga baboy, bibe dun!”
Naalala ni Jillian ang kanyang pagiging bata nang magkita sila ni Sienna na napapanood ngayon sa Royal Blood.
“Parang na-realize ko talaga na dalaga na po talaga ako. Una sa lahat, baby pa siya pero kilala niya po ako, tapos alam po niya ‘yung mga dati ko pong ginawa Trudis Liit and Daldalita.
“Ngayon ko lang po narinig talaga from super mga baby po na actors na parang ginagawa nila akong role model. I would like to work with her one day.”
Nagbigay rin ng payo si Ate Jillian kay Sienna kung paano makikitungo sa mga makakatrabaho niya sa showbiz.
“Sa ngayon, hindi mo pa siya sobrang ma-appreciate kasi baby ka pa talaga. So, ngayon enjoy-in mo lang ‘yan dahil darating ‘yung oras na magdadalaga ka. Mas magkaka-insight ka sa ginagawa mo and always, always respect your co-workers,” sey ni Jillian.
NY Fil-Am chef, pinag- malaki ang all-Pinoy musical Here Lies Love!
Umani ng bonggang reviews ang all-Filipino musi- cal Here Lies Love sa naganap na Broadway debut nito noong nakaraang June 17.
Sold out ang first preview night nito sa Broadway Theater. Pinuri ang lahat ng aspeto ng musical, mula sa music, production design, costume at performance ng buong cast.
“It’s a good start. We’re gonna have a great run. It’s gonna be fantastic. The audience was fantastic,” sey ni Jose Llana, who plays Marcos Sr.
Naging proud bilang isang Pinoy ang sikat na New York Fil-American chef na si Jordan Andino noong mapanood niya ang musical: “I’ve never been so proud to be a Filipino. Seeing Filipinos literally in the spotlight just made me so happy.”
Here Lies Love has 23 all-Filipino cast member ka- bilang sina Arielle Jacobs asImelda Marcos, Con- rad Ricamora as Ninoy Aquino, and Lea Salonga as Aquino’s mother, Aurora.
The official opening night of Here Lies Love is set on July 20