MANILA, Philippines — Namataan sa Viva Films office sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.
Ipinost din ito ni Sarah Geronimo sa IG niya.
Marami ang na-excite sa posibleng reunion movie ng dalawa.
Bongga sa takilya ang previous movie nila. Kung matutuloy malalaman natin kung magki-click pa rin ang tambalan nila ngayong may asawa na si Sarah.
Kamakailan lang ay nagkaroon ng bonggang concert si Sarah.
Samantala si John Lloyd naman ay abala sa kanyang sitcom na Happy ToGetHer na napapanood tuwing Linggo ng gabi sa GMA.
Taong 2008 pa ang huling tambalan nila na A Very Special Love.
Joshua, ‘di na bumusina kay Khalil
Napanood namin ang guesting ni Joshua Garcia sa show ni Kuya Boy Abunda sa GMA. Todo pasasalamat si Joshua na napasama siya sa Unbreak My Heart na isang teleserye na collaboration ng GMA at ABS-CBN. Napakaganda daw tingnan ang pagsasama ng mga artista from different networks sa isang project. Nagpapasalamat si Joshua sa ABS-CBN sa pagpayag nila na makapagpromote sila sa GMA.
Natanong ni Boy kung pinaalam ni Joshua sa ex niyang si Julia Barretto ang pagsasama nila ni Gabbi Garcia sa Unbreak My Heart. Kasi si Gabbi ay nagsabi raw kay Julia. Pero maski kay Khalil Ramos na boyfriend ni Gabbi ay hindi na raw nakausap ni Joshua. In-assure naman daw siya ni Gabbi na okay lang kay Khalil ang tambalan nila at maski ang mga kissing scene nila.