Marian, kinarir ang project ni Zia!

Zia at mga kaibigan

Sarap maging ina ni Marian Rivera!

Ipinaramdam muli ni Yan ang pagiging ina para sa anak niyang si Zia at mga kasama niya.

Sa isang video na naka-repost sa Facebook page ni Marian, makikita si Zia na nagsasayaw kasama ang ilang kaedad niyang girls.

Nasa caption ang, “BTS, The Rainbow girls and their stage moms.

“Thank you Marian Rivera for getting the girls together for practices in your home, hiring Donald your pro choreographer and getting the balloon arc for the whole group.

“Grabe your effort & initiatives. You are a super woman. We love you!” repost from Cat Arambulo-Antonio.

Siyanga pala, kahit abala sa pagiging ina eh may time pa rin si Marian bilang endorser dahil nitong nakaraang mga araw eh dalawang endorsements ang ni-renew siya bilang prime endorser.

At Happy Mother’s Day, Yan at sa aming editor at lahat ng mothers!

Yassi at Ruru, hanggang screen lang

Throwback feels ang collaboration ng GMA Pictures at Viva Films sa bago nitong project na Video City.

Yes, ang Viva Video City ang flashback feels sa pelikulang ito na pagbibidahan nina Yassi Pressman at Ruru Madrid.

Unang tambalan ito nina Yassi at Ruru na minsan nang nagtapat ang kanilang series.

Magpapakilig at maghahatid ng hugot moments ang dalawa, pero hanggang screen lang ang lambingan, huh! Kapwa na sila taken, ‘no?

Show comments