Snooky, napatawad na ni Maricel

Snooky at Maricel

Inihayag ni Snooky Serna na nagpapasalamat siya na muling nagkrus ang landas nila ni Maricel So­riano, at mas naging malapit pa lalo sila sa isa’t isa.

Dahil sa naturang pagkakaibigan, tumibay umano ang kanilang pagkatao at nagturo sa kanila na magpatawad. “I have become a stronger and a more forgiving person because of Maricel Soriano. Si Maricel naman, I think is the same, para siyang naging stronger and forgiving because of me,” sabi ni Snooky.

Ayon kay Snooky, maraming pagkakataon sa mga buhay nila ni Maricel na naka-relate sila sa isa’t isa. “Ang dami naming parehong parallel lives, ang dami naming pinagdaanan, many levels that we identify with each other’s journey and certain events in our lives. Closer kami ngayon. Habang nag-uusap kami we are each other’s best confidant, we lift each other up. Siya ngayon nagsasabi sa akin, ‘Uy, ganito ang approach sa ganito.’ Ako naman, ‘Nay ganito, puwede sigurong ganito,’” kuwento pa  ni Snooky.
Pag-amin pa ni Snooky, may mga pagkakataon na nagkaroon na sila ng ‘di pagkakaintindihan ni Maricel, ngunit nagkapatawaran din sila. “We were able to forgive ourselves and forgive each other. Kami ngayon, para bang we can forgive anyone after that. Hindi ko akalain na ganito pa kami magiging ka-close ni Maricel.  But ‘yun namang nangyari sa amin na distance, it was because of, more of professional rivalry,” paglilinaw ni Snooky.

Kuya Kim, tinutupad ang pangako sa diyos

Marami ang nagugulat kapag nalaman na 56-anyos na si Kuya Kim Atienza, na nagiging fitspiration na rin sa iba dahil sa kanyang body transformation.

Sa kuwentong Dapat Alam Mo!, sinabi ni Kuya Kim na dumaan muna siya sa maraming pagsubok bago na-achieve ang kanyang Kuya Kim Version 2.0. 

Dahil “living the best time of my life,” sinabi ni Kuya Kim na lumobo ang katawan niya noon dahil sa “one to sawa” ang kanyang pagkain.

“Naging dad bod ako, ‘yung taba ko noon mga 190 hanggang 200 pounds pero puro taba naman. Maliit ang muscle, malaki ang tiyan. That was my unhealthiest part of my life,” sabi ni Kuya Kim.

Hanggang lumabas ang mga sakit at nakaranas ng stroke si Kuya Kim noong 2010. Sa kabutihang palad, gumaling ang TV host. “Sabi ko kay Lord, ‘Lord pagka ako’y gumaling, I’ll be the fittest Kim that I can be,” sabi ni Kuya Kim.

Kaya sa kanyang Oplan Balik-Lusog na lifestyle, sumali ng mga marathon, triathlon at full Ironman si Kuya Kim.

Sa pagdagdag ng kanyang edad, goal naman ngayon ni Kuya Kim ang magkaroon ulit ng muscle at magpababa ng taba.

Bukod sa mga movement na ipinagagawa sa kanya ng mga coach, mahalaga rin ang pahinga.

Bukod sa katawan, nakatutulong din ang workout sa mental health. Kaya maging ang anak niyang si Emmanuelle o Emman ay sumasabak na rin sa fitness.

Show comments