Ina, pinakita na walang kupas sa ice skating!

Ina Feleo

Ang bongga talaga ng aktres na si Ina Feleo. Wala pa rin itong kupas. Ipinakita niya ang kanyang ice skating skills at ipinost sa social media.

Dati nang sumasali sa mga skating competition ang aktres. Kasalukuyang gumaganap siya bilang Coach Wendy sa Kapuso primetime series na Hearts On Ice.

Caption niya: “  

Talagang nakakabilib ang galing niya sa pag-ice skating. Kaya naman namang­ha ang netizens at bumuhos ang mga papuri sa kanya.

Nagbigay rin siya ng payo sa mga gustong sumubok sa figure skating sa isang interview.

Ipinost din niya ang kanyang pag-skating sa isang eksena nila ni Jericho Rosales sa pelikulang Tanging Yaman na dalawang dekada na ang nakalipas. Ang galing-galing niya do’n at masasabing wala pa rin talaga siyang kupas ngayon sa pag-ice skating. Bongga.

Show comments