Nagkaroon pala ng relasyon ang dalawang sikat na TV personality na tumagal din. Akala pa nga ng kanilang mga kaibigan, sa kasalan matutuloy ang relasyon ng dalawa lalo na at tanggap ang bawat isa ng kani-kanilang pamilya.
Nakuwento sa amin na gustung-gusto ng pamilya ni male TV personality si female personality dahil mabait, maalaga, may sariling career at hindi umaasa kay male TV personality.
Gusto rin ng pamilya ni female personality si male TV personality dahil masipag, career oriented at minahal din nito si female personality.
Kaya lang, kahit matagal ang naging relasyon ng dalawa, somewhere along the way, hindi sila nagkasundo at naghiwalay. Nanghinayang ang mga kaibigan ng dalawaat hindi na sila umaasa na magkakabalikan pa.
May asawa at pamilya na kasi si female celebrity at si male TV personality, marami na ang nakarelasyon, may mga anak, pero wala pang pinakakasalan.
Lauren, natupad ang pangarap
Natupad na ang matagal ng pangarap ng aktres na si Lauren Young na magingmakeup actress. Ang first gig ni Lauren ay ang kapatid niyang si Megan Young at ang husband nitong si Mikael Daez.
Sa kanyang Instagram account, makikita si Lauren na mine-make-upan si Megan : “The real ones know that I’ve dreamt of being a make up artist since I ws a little girl. With the suport of my mom, siblings and boyfriend I finally took the plunge and enrolled in @mudstudiomanila!!
After weeks of classes, yesterday, I booked my first gig. Siyempre sino pa ba first client ko kundi si @meganbata and @mikaeldaez.
So surreal that I’m finally living my dream,” aniya sa kanyang post.
Ang daming nag-congratulate kay Lauren, lalo na ‘yung nag-push sa kanya na ituloy niya ang kanyang pangarap.
Carla, tumatawa na ulit
Nag-post si Carla Abellana ng video clip nila ni Beauty Gonzalez na nagkakatuwaan sa taping ng GMA afternoon Prime na Stolen Life.
Sa video, mapapanood na kahit ngayon lang nagkatrabaho ang dalawa ay close na sila at naging madali silang naging friends dahil magkapatid ang role nila sa series.
Natutuwa ang fans ni Carla na makita siyang masaya at marinig ang kanyang tawa. Masaya rin sila para sa aktres na nadagdagan ang mga kaibigan nito sa showbiz na kanyang makakausap off cam.
Si Gabby Concepcion ang leading man ng Stolen Life na tungkol sa astral projection. Ikinasal dito sina Carla at Gabby at curious ang netizens malaman kung ano ang naging pakiramdam ni Carla na nakasuot ng wedding gown at ikinakasal kay Gabby dahil sa nangyari sa kanila ni Tom Rodriguez.