Javi, nagalit sa mga itlog na sinunog

Tama si Mayor Javi Benitez ng Victorias City na umalma sa pagsunog ng 2400 itlog.

Dapat naman talaga na sa halip sunugin, ibinigay na lang sa mga nagugutom at mahirap kung nagkamali ang supplier gaya sa nabalita.

What a waste samantalang marami ang makikinabang dito kung ibinigay na lang sa halip na sinunog.

Kahit nga iyon mga smuggled o nahuli na mga pagkain dapat pakinabangan na lang kesa itapon.

Malaking bagay din ‘yun sa mas marami na kapos sa buhay.

Kung minsan kasi hindi pinag-iisipan ng iba ang kanilang action, imagine ang dami sanang masaya kung nakatanggap sila ng itlog.

Ang dapat sunugin agad para huwag kumalat ay iyon nahuhuli na gumagamit ng bawal na gamot.

I-record lang, tapos sunugin. That will be the best para maubos ang mga bawal na gamot, dispose agad.

Naku parang kung saan na pumupunta ang topic, basta, huwag sayangin ang pagkain dahil ang daming nagugutom noh!

Masustansiya ang itlog at malaking bagay ito kung umabot sa mga nangangailangan.

Maraming kinakapos ngayon kaya malaking bagay sana ito.

Kaloka.  Paulit-ulit ha. Hahaha. Basta alam n’yo na yan. Matatanda na kayo noh.

Show comments