Gab Valenciano, naglabas ng inis?!

Gab

Naintriga ang mga nakabasa sa tweet ni Gab Valenciano noong February 5, kung sino raw ba ang kanyang pinatutungkulan? Bakit daw hindi pa niya pinangalanan para mas malinaw?

Tweet ni Gab, “I haven’t been as vocal for awhile but I can no longer suppress my thoughts. I will just say this.

“Your power to persuade people through gaslighting your whole life has run out. What goes around will always come back around. Filipinos are waking up, you should too.”

Wala ngang binanggit na pangalan si Gab, pero alam ng karamihan na parang si Willie Revillame ang kanyang pinatutungkulan.

Pero, ang tanong ng netizens, ano ang nangyari dahil for sometime, naging director ng Wowowin si Gab noong nasa GMA-7 pa ang show ni Willie.

Marami ang nagsabing nagising na raw si Gab, pero may mga nag-react na parang late na ang pagkagising niya. Ang sagot dito ng netizens, kaya late nagising si Gab dahil ngayon lang nanawagan ng suporta si Willie.

Regine, hirap sa biglaang biritan

Sa halip na i-bash, pinuri pa ng netizens si Regine Velasquez sa inamin sa  Magandang Buhay na nahirapan siya sa duet nila ni Morisette Amon na Gusto Ko Nang Bumitaw. Nakuwento ni Regine na kinabahan siya sa duet na ‘yun at inaming hindi siya sigurado kung kakayanin niya.

“Nakalimutan kong sabihin sa banda na babaan ang key dahil sa tingin ko, mahihirapan ako. Nakalimutan kong sabihin. So, kumakanta na ako, in the middle of Gusto Ko Nang Bumitaw, aabot ba ako?”

Well, sa nakapanood sa nasabing episode, itinuloy ni Regine ang pagkanta at tinapos ang kanta. Pinuri siya ng viewers dahil kaya pa raw bumirit.

Pero, sa Solo concert ni Regine sa Samsung Performing Arts Theater sa February 17, 18, 24 and 25, siguradong hindi siya mahihirapan sa pagkanta dahil nakapag-rehease na siya.

Carla, alagang-alaga pa rin ang aso ni Tom

Kahit tinuldukan na ni Carla Abellana na magkakabalikan pa sila ni Tom Rodriguez, hindi naiwasang may mga umasa pa ring in the future at sa tamang panahon, magtatagpo pa rin ang landas ng dalawa, magkaka-inlaban uli at gugustuhing buuin uli ang kanilang relasyon.

Nakita kasi ng TomCar fans ang post ni Carla ng pet dog na si Bubbly na alam ng fans na pet dog ni Tom at nang magpakasal sila, naging pet na rin ni Carla at kasama nila sa bahay.

Nang maghiwalay at lumipad pa-Amerika si Tom, naiwan si Bubbly kay Carla at si Carla na ang nag-alaga.

Birthday ni Bubbly noong isang araw, pinost ni Carla ang larawan nitong nakapang-porma.  “I love you, my Bubub, i do,” sabi ni Carla.

May nag-comment ng “I’m sure she’s missing her “dada” and vice versa!”

Hindi nag-comment si Carla at hinayaan ang fan.

Show comments