Ciara, may trauma sa kasal

Ciara

Traumatic sa singer-actress na si Ciara Sotto ang huling relasyon kung saan nagkaroon siya ng isang anak na lalaki.

Inamin ito ni Ciara nang humarap siya sa press kasama ng co-hosts niya sa coming talk show na M.O.Ms (Mhies on a Mission) na sina Mariel Padilla at Ruffa Gutierrez na unang station produced ng AllTV ng Villar Network.

Pero hindi pa naman daw isinasara ng singer-actress ang kanyang puso. ‘Yun nga lang, pagdating sa kasal, “Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko tungkol sa kasal. But I am annulled.”

May mga tsismis na may bago nang inspirasyon si Ciara na Yap ang apelyido ng guy. Pero itinanggi niya ito. “Wala, wala pa akong karelasyon ngayon. Focused ako sa anak ko,” diin ni Ciara.

Sa tatlong hosts, tanging si Mariel ang bongga ang lovelife. Si Ruffa naman, consistent pa rin sa pagsasabing single siya kahit ang aktor-pulitiko pa rin ang itinutukso sa kanya.

Pero kahit may something in common sina Mariel at Ruffa (senator Robin P) at sina Ruffa at Ciara (John Lloyd Cruz), walang awkwardness sa kanilang tatlo sa pagsasama sa M.O.Ms na may pasabog agad sa pilot episode nito sa Nov. 28,  11 a.m. to 12 nn.

Isa lang ang M.O.Ms sa bagong shows ng AllTV na handang magbigay ng quality entertainment sa mga susunod na buwan.

Comedy bar ni Allan K, binuksan nila Mayor Joy!

Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ribbon cutting ng bagong bukas na Clowns Republik ng komedyanteng si Allan K last Tuesday.

Kasama ni Mayor Joy na nagbukas ng comedy bar sina Maja Salvador, Maine Mendoza at fiancée niyang si Congressman Arjo Atayde.

Matapos dumanas ng maraming dagok si Allan nung panahon ng pandemic – namatayan ng kapatid at nagsara ang negosyo – muling bumangon si Allan upang magbigay ng kasiyahan sa mga tao.

Newly renovated, new designs ang Clowns ngayon pero same location pa rin ang bar sa Sunshine Blvd. sa Quezon Avenue, QC kahit na maraming nag-offer sa kanya ng kanilang lugar itayo ang bar.

“Mabait ang owner ng building. Hinintay talaga nila ang muling pagbubukas ng bar kahit marami ang nag-offer sa akin sa ibang lugar at wala akong gagastusin.

“Pero dito talaga ako sa dating lugar na nakasanayan na ng mga tao. God is good all the time,” pahayag ni Allan.

Nagbigay-saya nu’ng opening night bukod sa regular stand-up comedians sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Boobay at marami nang ibang komedyante.

Show comments