Neil at Angel, nag-charity sa mga nagkalat ng fake news   

Neil

Finally ay nagbigay na ng pahayag si Neil Arce tungkol sa mga kumakalat na fake news na hiwalay na sila ni Angel Locsin.

Sa statement na pinadala ni Neil kay Ogie Diaz, obvious na hindi sila apektado ni Angel sa mga tsismis na hiwalay na sila.

“Me and my wife are Charitable people. Donation na po namin sa Fake News peddlers ‘yang kikitain nila sa pagpapakalat ng fake News. Besides deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinunga­lingan,” ang pahayag ni Neil.

Nagkaroon ng ispekulasyong hiwalay na ang mag-asawa dahil nga matagal nang hindi nakikita si Angel ng kanyang followers sa Instagram. Ang huling post pa niya ay last Aug. 1.

Matagal na rin silang walang bagong vlog sa kanilang YouTube channel na The Angel and Neil Channel. Their last video was uploaded three months ago pa.

Kaya naman dahil dito ay sari-sari na ang lumabas na balita, mostly vlogs na nagsasaad na hiwalay na sila at nadamay pa si Maxene Magalona.

Ayon sa balita ng ilang vloggers, nabuntis daw ni Neil ang ex-girlfriend na si Maxene.

Sinigurado rin ng vlogger/talent manager na hindi talaga hiwalay sina Angel at Neil base sa kanyang nalalaman.

Toni, naawa sa sarili nang kumanta sa casino 

Nagbalik-tanaw si Toni Gonzaga sa isang malungkot na karanasan sa kanyang career noong panahong nagsisimula pa lang siya bilang singer.

Sa kanyang solo mediacon last Thursday na ginanap sa Winford Manila Resort & Casino para sa kanyang 20th anniversary concert, ikinuwento ng Ultimate Multimedia Star ang hindi makakalimutang karanasan noong time na kumakanta pa lang siya sa Casino Filipino.

“Favorite memory ko, when I was starting as a singer, kumakanta akong mag-isa, Pasko sa Casino Filipino, doon ako nakapuwesto, Dec. 24 or Dec. 25, ‘di ko na masyadong (matandaan), basta Pasko ‘yun. Tapos, siguro, 17 or 18 years old lang ako no’n,” kwento ni Toni.

Tandang tanda pa raw niya na kinakanta niya ang Pasko Na, Sinta Ko pero walang nakikinig sa kanya.

“Lahat, nagga-gamble, lahat nasa slot machine! Sabi ko, ‘ano bang ginagawa ko rito?’ Parang hindi ginagawa ng isang normal na 18-year-old na kumakanta sa isang gambling area na lahat, nasa slot machine, na walang nakikinig,” pagre-recall ng Ultimate Multimedia Star.

Aniya ay umiiyak daw siya habang kumakanta dahil sa awa sa sarili.

“Tapos may nagbigay ng tip, ‘yung chip, tapos iaano mo. Siguro naawa siya, ‘uy, umiiyak ‘yung singer, bigyan natin.’ Tapos, after ko umiyak, nagpunta ako sa CR, tapos hindi pa ako natapos, du’n ako nagdrama, umiyak talaga ako,” pagbabalik-tanaw niya.

“Tapos naaalala ko lang, parang sinabi ko sa sarili ko na one day, ‘pag may hawak na akong mikropono, may makikinig na sa akin. ‘Yun lang ang sinabi ko sarili ko.

“And then, I pursued my career, I continued, I sang in different hotels, different bars, hanggang sa one day, ‘pag hawak ko na nga ‘yung microphone, makikita ko ‘pag mga live shows, big events, nakikinig na sila. Tapos sabi ko, ‘ay naalala ko ‘yung moment when nobody was listening to me,” patuloy ni Toni.

Ngayon, after two decades, hindi pa rin makapaniwala ang aktres/singer/TV host/vlogger/producer na nandito pa rin siya and still doing what she loves.

Kaya naman sobrang grateful ni Toni sa lahat ng kanyang pinagdaanan sa buhay at lahat ng ito ay mapapanood sa kanyang birthday and anniversary concert titled I Am… Toni na gaganapin sa Jan. 20, 2023 sa Araneta Coliseum, produced by Godfather Production ni Joed Serrano and co-produced by Mommy Pinty Gonzaga na ina ni Toni.

Show comments