Grabeng makabalita ang dalawang baklang FM DJ.
Parang totoong-totoo, pero fake news pala.
Pinag-usapan nila na may idinemandang veteran writer ang pulitikong asawa ng actress, cyber bullying daw, na sinasabing hiwalay na.
May hearing na raw, at may subpoena na ang idinemandang writer.
May conviction ang pag-uusap ng dalawang bading na FM radio DJ as if may dokumento sila ng nasabing demanda.
True enough nang magtanung-tanong ako tungkol sa nasabing issue, wala raw demanda ang nasabing veteran writer at wala raw sa hinagap ng pulitiko na magdemanda ng cyber bullying.
Hahaha.
Kakaloka ang ganitong mga fake news sa YouTube.
Ang husay nilang magkuwento na talagang parang totoong-totoo pero wala pala silang basehan.
Well, ang daming nabibiktima sa YT.
Carla, sumabak sa pag-aaral ng pagbaril
Uy may personal security pala si Carla Abella.
Ito ang sinabi niya sa isang nag-comment sa post niyang nag-aaral siyang bumaril.
“Time to invest for my safety and protection?
“I’ve been most comfortable with (and quite good at handling) a CZ P01 Omega Pistol ever since, but the CZ Scorpion EVO3 S1 Rifle? Let’s just say i have a new favorite. ?”
Pero negosyo raw ito ng kanyang stepdad.
Anyway, nang mag-comment nga ang isa niyang follower na kailangan din talaga ng mga babae na matutong humawak ng baril sa panahon ngayon na maraming masasamang tao lalo na nga sabi pa ng nasabing follower na wala kasi siyang kasamang lalaki sa bahay na magpoprotekta sa aktres, sumagot ang aktres ng: “meron po. May personal security na po ako dito.”
Kaya ang tanong ng lahat, may panganib ba sa buhay ni Carla at kailangan niya ang personal security at mag-aral pang bumaril?
Isa sa miyembro ng bagong K-pop group na Lapillus, dating artista ng ABS-CBN
Nasa bansa ang freshest K-Pop group na Lapillus para mag- Hit Ya sa Pinas! na humarap sa entertainment press kahapon.
Yup, may chance ngang makita ng Filipino K-pop supporters ang pinakabagong six-member K-Pop girl group na Lapillus na punung-puno ng activities ang susunod na dalawang linggong pagbisita ng all female K pop idols para sa Hit Ya Pilipinas, The Lapillus Manila Tour.
Mula sa kanilang debut ng digital single na Hit Ya! nitong June, naging mainit na online world sa suporta ng 4th Gen group mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kinabibilangan ng kanilang leader na si Shana, main dancer na si Yue, main vocalist Bessie, main rapper Seowon, Maknae (bunso sa grupo) Haeun, and of course, ang Filipino pride at visual (pinakamaganda sa grupo) na si Chanty na dating ABS-CBN talent.
Simula nang in-announce ang kanilang pagdating dito sa Manila ay nasabik sila na ibahagi, hindi lamang ang kanilang musika, kundi maging ang kanilang paglalakbay sa pagiging isang K-pop idol.
Trending topics din ang #MabuhayLapillus at #LapillusinManila.
Ang all-female group sa ilalim ng Korean entertainment agency na MLD Entertainment, na nagdala sa Momoland sa spotlight, ang nagpapakita ng kanilang sariling brand ng musika sa pamamagitan ng ilang lokal na events at activities.
Bukod sa exclusive multi-platform interviews, abangan ang Lapillus sa kanilang excusive photoshoots, TV at online appearances bukod sa kanilang packed na schedule ang ilang creative vlog collaborations, live performances at immersions.
Dalawang malaking fan meets ang gagawin nila sa September 10 sa Market! Market at September 11 sa Ayala Fairview Terraces, kung saan magkakaroon sila ng pagkakataong makilala ang kanilang mga masugid na Pinoy fans.
Kasunod ng kanilang debut single na Hit Ya! na ngayon ay nakakuha na ng 10 milyong views sa YouTube, ang sextet ay muling magbabalik sa darating na September 22.
This time ay para ilabas ang kanilang bagong single na Gratata na inilalarawan bilang isang “Mumbaton rhythm song with an addictive hook.”
“We are very grateful and excited to share our music and who we are as performers to our Filipino fans, who have been especially supporting us ever since our debut,” ayon kay Shana.
Si Chanty naman ay masaya na nakauwi at nabigyan ng pagkakataon ang kanyang mga kasama sa Lapillus na maranasan ang kakaibang init at pagmamahal ng mga Pilipino.
“This is the first time that i’m coming home since our debut and I’m just thrilled to be back. Because this time, I know I can give more to my supporters, and hopefully I can inspire some of them to continue chasing their dreams, just like what I did,” ika ni Chanty.
Para sa iba pang updates, i-follow ang kanilang official social media accounts ng Lapillus