Nathalie Hart, Philippine Army Reservist na

Nathalie

Sana ay action film or series na ang maging next project ng sexy actress na si Nathalie Hart.

Hindi biro ang ginawa niyang training sa Philippine Army for two months.

Member na siya ng Philippine Army Reservist.

“I had the best two months of training with the Philippine army. I’ve learned stability under pressure, discipline and resiliency in any complex challenges. Thank you for all the great values and knowledge,” ang statement niya pagkatapos ng training.

Voltes V: Legacy walang atrasan sa 2023

Let’s Volt In dahil aarangkada na sa 2023 ang much awaited GMA live action adaptation series na Voltes V: Legacy! Tiniyak ng batikang direktor na si Mark Reyes na worth it ang matagal na paghihintay ng viewers para sa pag-ere ng programa,“The level of expectation is really scary for us but I guarantee you that GMA spared no expense in producing the series,” ani Direk Mark sa 24 Oras. 

Bibida sa remake na Voltes V: Legacy sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Matt Lozano bilang Big Bert Armstrong, Radson Flores bilang Mark Gordon, at Raphael Landicho bilang Little John Armstrong.

Mga empleyado ng It’s Showtime at Lunch Out Loud,tuloy ang ligaya

Ang bongga talaga ng chikang mapapanood na back-to-back ngayong Sabado (July 16) sa TV5 ang noontime variety shows na It’s Showtime ng ABS-CBN at Lunch Out Loud ng TV5 ha!

Imagine, ang dating magkatapat at pinaglalaban, pwede naman palang magbigay ng happiness at katatawanan sa mga Kapamilya at Kapatid nang magkasunod.

Mapapanood na kasi tuwing 11 a.m. ang Lunch Out Loud na susundan ng It’s Showtime pagsapit ng 12:45 p.m.

Sa opening ng It’s Showtime nitong Lunes (July 11), excited na ibinalita ng hosts ang good news at nagpasalamat din sa TV5 para sa pagkakataong mapanood ng mas maraming TV viewers sa buong bansa.

 Sey ni Vhong Navarro, “TV5, maraming mara­ming salamat,” na dinagdagan ni Ogie Alcasid ng, “Salamat sa pagmamahal ninyo, sa pag-welcome sa amin. Sino’ng makakapagsabi, sa dami ng pinag­daanan natin, mapapanood na tayo ng Madlang People sa TV5.”

Bukod sa viewers, big winner din siyempre ang hosts, crew, at production staff ng Lunch Out Loud at It’s Showtime na napapanood din sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC dahil walang ending ang trabaho nila.

Nakaka-happy lalo na para sa mga nasa likod ng camera dahil hindi rin madali ang trabaho nila at sa taas ng mga bilihin sa ngayon, sobrang importante ng stable na pagkakakitaan.

Malamang din na ‘yung ibang nasa TV5 ngayon ay mga dati ring kasamahan ng mga nasa ABS-CBN.

O ‘di ba, everybody happy talaga!

Dagdag din ang pag-ere ng It’s Showtime sa TV5 hindi lang sa history kundi pati na rin sa maraming achievements ng show sa loob ng 13 taon, gaya na lang ng pagiging kauna-unahang programa ng

ABS-CBN na hindi teleserye na ginawan ng sariling bersyon sa Indonesia.

 Malay natin, may crossover event pa someday sina Vice Ganda, Vhong, Anne Curtis and company ng It’s Showtime kina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, and more ng Lunch Out Loud! Exciting.

AiAi, nagtitinda ng ube pandesal sa Amerika!

Ah huling tatlong linggo na pala ang Raising Mamay na pinagbibidahan ni AiAi delas Alas sa GMA 7.

Hindi gaanong naramdaman ang Raising... bagama’t may ilang loyal viewers nito ang nabitin sa kuwento tungkol sa mag-ina na ginampanan nina AiAi at Shayne Sava bilang anak niya.

Kay Pokwang originally ini-offer ang nasabing magtatapos na afternoon serye pero ‘di ito noon pumwede.

Anyway, base sa mga post ni Ms. Ai, nagbebenta siya ng ube pandesal sa Amerika kung saan siya naglalagi sa kasalukuyan kasama ang mister.

Show comments