Dumaan sa audition si Khalil Ramos para sa kanyang unang major TV project sa GMA Network. Hindi ito basta ibinigay sa kanya!
“Yes, this is my first major role. My first audition.
“Sa audition ko, whenever I talk to my manager, as an ctor, my pursuit is to tell stories. When I audition, I told Gab and the creative team, I love this role. I want this!
“Yes it was challenging! Kailangang masanay sa bubble. Mataasang demand sa script ng role. Challenging pero that’s the beauty of challenges,” saad ni Khalil sa virtual mediacon ng series.
Eh dahil maraming challenges at first time magsama sa TV series, nagtutulungan sina Gab at Khalil kaya walang panahon para mag-away, huh!
Mga kamag-anak ng aktres may kakumpetensiya sa mga lupain
Nakaabang na raw ang ilang mga kamag-anak ng isang dating sikat na celeb nang malaman nilang may mga nabiling lupain ito sa kanilang probinsiya.
‘Yun nga lang, andap din sila lalo na’ may isang taong malapit sa celeb na hindi humihiwalay sa kanya.
Eh balitang ang taong ‘yon ang dahilan kung bakit hindi kasundo ng celeb ang ilan sa mga anak, huh!
Kung sakali namang mawala na ang celeb, ang mga anak pa rin naman ang unang magmamana ayon sa batas unless may ibigay ang celeb sa taong malapit sa kanya, huh!