Literal na nahirapan si Ai Ai de las Alas sa role niya sa GMA afternoon series niyang Raising Mamay. Batang ina kasi ang role niya at lalabas na tagapag-alaga niyang bilang “ina” ang Kapuso Primetime Drama Princess na si Shayne Sava.
“Nag-immerse ako sa mga bata. Inang naging bata ang role ko. Ito na ang pinakamahirap na character ng ina na nagamapanan ko. Kinailangan ko bumalik nang bansa dahil trabaho ito at blessing!”sambit ni Ai Ai.
Marian pumayat sa pilates
Pilates ang bagong exercise ni Marian Rivera na sinasamahan niya ng healthy living.
Humarap si Marian sa entertainment press, ilang fans, friends at mga tao sa contract signing niya bilang endorser ng Blancare lotion ng Kamiseta bukod sa pagiging mukha ng Kamiseta Skin Clinic ni Cris Roque.
“Kapag nasa bahay, three times a day ako gumagamit ng lotion at kapag may trabaho, morning at sa gabi bago ako matulog,” pahayag ni Yan.
Para naman kay Ms. Roque, “I think Marian is the perfect endorser of our product,” sey ni Ms. Roque.
“Bagong product namin ito. Hindi agad kami nag-launch hanggang hindi kami nakakita ng perfect endorser. For Marian talaga ito!” dagadag niya.
Eh kahit ilang endorsement ang gawin ni Yan, mananatili pa rin siyang bilang artista.
“May sitcom kami ng asawa ko. Napapayag nila ako. Babalik uli ako. After ten years na hindi kami nagsama sa trabaho ng asawa ko, this time, magsasama na kami. Ten years,” sambit ni Yan na ang tinutukoy ay ang sitcom nila ni Dong na Jose and Maria’s Bongga Villa na mapapanood sa GMA primetime simula sa May 14.
“Excited ako na makasama si Dong dahil nakikita ko siya sa bahay. ‘Yung paano niya i-deliver ang linya niya na wala sa timing, doon ako tawang-tawa! Ang galing-galing para sa akin. Bentang-benta sa akin!” bulalas ni Marian.
Sa sunud-sunod na endorsement ni Yan, puwede na siyang tawaging New Endorsement Queen!