Hooked na hooked din si Mother Lily Monteverde sa panonood ng TV adaptation ng Mano Po, ang Mano Po Legacy: Family Fortune.
Aliw na aliw din siya sa lahat ng cast at galing na galing sa mga artista nito!
Eh dahil si Boots Anson Roa ang lumalabas na matriarch ng mayamanang pamilya at si Sunshine Cruz ang naiwang anak na babae dahil namatay ang panganay na anak na lalaki, ang aktres ang pinamahala sa family business.
Matapang ang character ni Shine ay gayundin si Boots. Tinanong namin si Mother kung sino siya kina Boots at Sunshine? “Sunshine Cruz and Boots are supergaling!” text sa amin ni Mother.
Sa totoo lang, bukod sa TV adaptation ng Mano Po, nakalinya na rin sa GMA ang TV adaptation ng Regal movie na Underage na young stars naman ang bibida.
Bobby, pinasok na rin ang pulitika
Pinasok na rin ni dating matinee idol na si Bobby Andrews ang pulitika.
Ayon sa wife ni Bobby na si Bienne Andrews, kandidato si Bobby bilang konsehal sa fourth district ng Quezon City.