God-centered ang mag-asawang Sherilyn Reyes-Tan at dating basketball player na si Chris Tan kaya naman kahit gaano katindi ang pinagdadaanan ng kanilang pamilya ngayon dahil sa pagiging biktima ng swindling ng milyones na halaga ang Kapuso actress ay buo pa rin ang kanilang pamilya. Pero umaasa ang mag-asawa na mabigyan pa rin ng hustisya ang ginawang panlolokog ng isang tao at kumpanya ng kanilang kabuhayan. “Napakahirap,” simula ni Sherilyn. “Naghahanap-buhay ka ng tapat at marangal at nagtitiwala sa mga tao pero ang kapalit naman ay panloloko ng ilang tao na hindi na inisip kung ano ang magiging repercussion nito sa mga nagiging nagiging biktima nila.”
Maaalang pinasok noon ng pagbebenta ng branded bags kung saan ay nagkaroon siya ng maraming clients na naging kaibigan din niya eventually. Dahil dito ay nagtiwala siya sa inakala niyang honest na tao o mga tao na in the long run ay lolokohin lang pala siya ng kanyang mga paninda na nagkakahalaga ng milyones.
Ang siste, majority ng kanyang mga paninda ay hindi pa rin niya nababayaran sa kanyang suppliers kaya siya ang nakompromiso at forced to good siyang bayaran lahat ng items.
Ayon sa Kapuso actress, may dalawang taon na umano ang kasong kanyang isinampa sa DOJ (Department of Justice) pero hanggang ngayon ay wala pa ring linaw.
Umaasa ang aktres na makakamtan niya ang katarungan balang araw.
Dahil sa stress, nagpapasalamat si Sherilyn na buhay pa rin siya hanggang ngayon dahil nag-suffer nang husto ang kanyang health. There was even a time na nag-pass out siya at hindi makatulog nang mabuti. Pero ang patuloy na pagdarasal sa Diyos at suporta ng kanyang pamilya ang inspirasyon niya upang ipagpatuloy ang buhay. “Nagpapasalamat ako sa Diyos na biniyayaan Niya ako ng asawang hindi marunong bumitaw sa gitna ng unos. Hindi niya ako iniwan at sa halip, siya ang kinakapitan ko sa mga panahong hinang-hina na ako sa kaiisip kung paano ko ito lahat malalagpasan,” pag-amin pa ni Sherilyn.
“Gumagawa rin ng paraan ang husband ko para gumaan-gaan ang pakiramdam ko. Katunayan, siya ang kumausap sa iba kong suppliers na mabigyan ako ng grace period na ma-settle ko ‘yung mga obligation ko sa kanila. Sobra ko talaga ina-appreciate ang efforts niya. Never niya ako sinumbatan o sinisi sa ginawa kong pagtitiwala sa ibang tao na ang naghihirap ang kalooban ay hindi lamang ako kundi ang pamilya ko,” patuloy na kuwento ng aktres.
Naniwala si Sherilyn sa law of karma. Hindi man maibalik sa kanya nang buo ang na-swindle na amount sa kanya, naniniwala siya na hindi natutulog ang Diyos at Siya na ang bahala sa mga taong nanloloko sa kanilang kapwa.
Ang nakakalungkot pa, hindi lamang pala isang beses na-swindle si Sherilyn kundi ilang beses na rin kaya tuluyan na niyang itinigil ang kanyang negosyo na may kinalaman sa branded bags.
Si Ryle Paolo Santiago ang panganay ni Sherilyn sa kanyang ex-husband, ang ABS-CBN executive at kapatid nina Randy, Rowell at Raymart Santiago na si Reily Pablo `Jun-Jun’ Santiago.
Barely three years old pa lamang noon si Ryle nang magkahiwalay ang kanyang parents hanggang muling mag-asawa si Sherilyn sa kanyang second and present husband na si Chris Tan.
From day one ay never na itinuring ni Chris si Ryle na stepson kundi bilang tunay na anak. “He (Chris) is more than a father to me,” pag-amin ni Ryle. “I grew up with him as my dad and he never treated me as a different person but his son,” pag-amin ni Ryle na very close din sa kanyang two half-siblings (sa mother side) na sina Lawrence (19) at Anya (10).
Although mas close siya sa kanyang Daddy Chris kesa sa kanyang biological dad, si Ryle na rin mismo ang nag-reach out sa kanyang Daddy Jun-Jun para ma-clear out ang issues sa kanilang pagitan. On his 23rd birthday last Oct. 1 ay nakatanggap umano siya ng birthday card sa kanyang ama pero wala umano silang bonding moment with his Daddy Jun-Jun at sa pamilya nito.