Mga pangalan ng K-Stars, mahirap tandaan

Alam mo, Salve, na ‘yung gumanap na tatay sa Move to Heaven, ang pogi pala at medyo bagets pa siya. Napanood ko siya as brother ni Jo In-sung sa Spring Day at kundi lang solid In-sung girl ako, siya na sana ang pipiliin kong oppa. Ano ba name niya, Salve? (Ji Jin-Hee po - Salve). Mukha namang isa siyang big star kasi pantay na pantay ang role nila ni Jo In-sung sa Spring Day.

Ang galing niya sa Move to Heaven dahil ang husay ng facial expression niya, mahusay rin sa delivery ng dialogue, at hindi siya nagpapatalo sa mga eksena niya kay Jo In-sung ha.

Puwede ko na siyang gawing spare Oppa, dahil aside from cute, ang galing pang umarte, ang problema lang, hindi ko alam ang name, hah hah. Kasi naman noh, ‘yung mga name ng Korean stars parang pare-pareho, ‘yung iba, mahirap i-pronounce. Tapos ‘yung credits nila sa serye in Korean kaya wah mo know name, maliban na lang doon sa talagang sobra nang daming nagawa at dami talagang fans kaya nalalaman mo ang name.

Kainis tuloy, cry pa naman ako sa Move to Heaven, at love ko na siya sa Spring Day kaya lang hindi ko alam ang name niya.

Mike, mas pinili ang partylist

Tumatakbo pala sa PPP Partylist si Mike Planas. Siyempre kilala natin si Mike dahil kay Pat-P Daza ‘di bah!

Actually matagal na sa politics at maganda naman ang petformance ni Mike kaya hindi kataka-takang tuloy ang political career nito. Actually nga kahit sa local kung sa QC siya tatakbo, palagay ko malakas ang dating niya dahil kilala ang mga Planas sa QC. Pero mas pinili ni Mike ang partylist kasama ang anak ng may-ari ng Victorino’s na si DV na asawa ni Dina Bonnevie.

Show comments