Beth, napaaga ang panganganak

Napaaga ang panganganak ng San Francisco, California, USA-based actress na si Beth Tamayo last Aug. 29, 2021 sa halip na sa ikatlong linggo ng September. Nagmadaling lumabas ang first baby ni Beth at ng kanyang American husband na si Adam Hutchinson na si Baby Sloane Isabelle  by three weeks. Ang buong akala pa nga ng aktres ay baka masabay ang kanyang panganganak on her birthday sa Sept. 21 (Martial Law anniversary).

Si Baby Sloanne Isabelle ay magsisilbing advance birthday gift ng Diyos kay Beth na hindi nagkaroon ng anak sa kanyang ex-husband, ang Chinese-American na si Johnny Wong. Ipinagbuntis ni Beth si Baby Sloanne sa pamamagitan ng IVF (in vitro fertilization process).

Turning 43 sa darating na Sept. 21, masayang-masaya ang aktres dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay isa na siyang ganap na ina.

Although may ilang taon nang nagsasama sina Beth at Adam, it was only last Mrch 3, 2021 nagpakasal ang couple sa pamamagitan ng isang virtual civil wedding ceremony na ang mga guest including Beth’s family and relatives in the Philippines ay naka-witness din virtually. March 21 naman ibinalita ng aktres na ipinagbubuntis niya ang kanilang unang baby ni Adam. Noong July 18 naman ay nagkaroon ng baby shower for Beth na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan ni Adam.

Nakadalo rin sa nasabing okasyon ang pamangkin ni Beth, ang Kapamilya actor na si Dominic Roque at ang kasintahan nito ngayon, ang bagong Kapuso star na si Bea Alonzo. Bukod sa baby shower ay dalawang beses pang nag-dinner sina Dominic at Bea sa bahay nina Beth at Adam bago sila bumalik ng Pilipinas noong nakaraang buwan.

Ngayong isa nang ganap na ina si Beth, aalagaan niya umano ang kanyang anak tulad ng pag-aalaga sa kanya ng kanyang mom na si Mommy Zeny Tamayo na nahiwalay lamang sa kanya nang siya’y magtungo ng America pagkatapos ng kanilang paghihiwalay ng kanyang dating mister na si Johnny Wong.

Isa sa tuwang-tuwa sa pagkakaroon ni Beth ng baby ay ang kanyang best friend na si Judy Ann Santos.

Show comments