Si direk Lauren Dyogi rin pala ang naging way para maging TV director si John Prats. Si direk Lauren ang nagbigay ng lakas ng loob kay John para subukang maging direktor, kaya ngayon siya na ang humahawak ng It’s Showtime.
Mabait talaga si direk Lauren at very generous sa pagtulong sa mga baguhan kaya naman ang dami talagang lumalapit sa kanya, hindi lang ‘yung gustong mag-artista, kundi maging ‘yung gustong magdirek.
Ganyan dapat ang mga secure at talented na tao, willing mag-open ng doors para sa gustong mag-try, tumulong para lalo pang dumami ang talents na mapasali sa showbiz. Imagine mo ‘yung break na iyon para kay John, bongga. Ngayong director na siya sa TV, next puwede na sa pelikula. Dahil hindi madamot si direk Lauren kaya nagawa iyon at nangyari.
Ngayong mga baguhang artista ang hahawakan ni direk Lauren at sure ako under his wings, marami ang sisikat sa mga baguhang nasa care niya ngayon sa Star Magic. Maraming future big stars ang magpapasalamat sa naging tulong sa kanila ni direk Lauren. Sure akong siya ang godfather ng future superstars and directors.
Julie Anne, alagang-alaga ng Kapuso
Mukha namang maganda ang Limitless ni Julie Anne San Jose. Ibang-iba ang pagkaka-project niya at very sensual ang photos na inilabas para rito.
Talagang iba ang pag-aalaga ng GMA 7 kay Julie Anne, special na special kaya feeling mo talaga na siya ang pinaka-among the singers na inaalagaan ng network.
Siguro dahil halos dito na siya lumaki at parang baby na siya ng management. Piling pili ang projects niya at ‘pag meron siyang bago, tiyak na alagang-alaga sa publicity at promo.
Sabagay, talented naman at mukhang masunurin si Julie Anne kaya ganun siya kamahal ng kanyang network