Dahil pabalik-balik sa Pilipinas si Julia Clarete, nag-assume ang netizens na baka may marital problems ito kaya minsan ay tumatanggap ito ng teleserye.
Sa Malaysia na kasi naka-base si Julia at ang Irish husband niyang si Gareth McGeown. Kasama rin nila ang anak ni Julia na si Sebastian.
Nagsalita na si Julia tungkol sa ilang issues ng netizens sa kanya at tungkol sa pagsasama nila ng mister niya.
“I might as well address it now. Kasi ang dami ngang artistang ganyan na kapag nag-settle down tapos umalis ng bansa, pagbalik, nagbalik artista ‘yun pala boom! May naging marital problems. It happens a lot.
But in my case kasi when I left Eat Bulaga for Malaysia it was to join Gareth kasi we were gonna settle in na, we were gonna get married.
“Tumawag sa kanya ‘yung company (Coca-Cola Philippines). Kasi he was running na Singapore, Malaysia and Brunei. He was running three countries as the CEO of Coca-Cola. Tinawagan siya ng Coke. Sinabi sa kanya gusto mo bang i-take on ang Philippines? Sabi niya, ‘You want to go back home?’ I said, ‘Do you want to take on the Philippines?’ Eh love niya ang Pilipinas kasi dito na rin siya galing before. Ako, hindi ko makakailang miss na miss ko ang Pinas. So sabi ko, ‘Tara.’
“And he was very happy na parang I didn’t mind coming back, na we will be susceptible to intrigue, but it was purely for his work and ang saya namin dito. So he is now the CEO of Coca-Cola Bottlers in the Philippines.”
Dagdag ni Julia, baka lumipat daw ulit sila ng bansa dahil sa trabaho ng mister niya.
“Expat family kami. So we will be moving after a few years. So we don’t know when that will be but hopefully we get to stay a little longer.”
Kaya habang nandito si Julia, tinanggap niya last year ang teleserye ng Cignal TV na Paano Ang Pasko?
Natapos din niya ang indie film na Game Over with singer-stage actor Joshua Bulot.
Frencheska, mas gusto munang mag-trabaho kesa maging nanay
On-hold pa rin ang plano ng former Kapuso actress Frencheska Farr na magkaroon sila ng baby ng mister niyang si Gino Jose.
Taong 2017 ang naging civil wedding ni Frencheska kay Gino sa Las Vegas, Nevada. Noong February 28, 2020 naman ay naganap sa Calatagan, Batangas ang kanilang beach wedding.
Ayon sa grand winner ng 2009 reality singing competition na Are You The Next Big Star, desisyon nilang mag-asawa ang huwag munang magkaroon ng anak. “Focus po talaga muna ako on building my career here in the U.S. Nag-e-enjoy din ako sa freedom ko to experience life abroad nang wala munang baby at thankful ako same page kami ng asawa ko.”
Hindi naman nape-pressure si Frencheska na maging mommy tulad ng mga kaibigan niyang sina Aicelle Santos, Maricris Garcia at Rachelle Ann Go na may kanya-kanya nang babies. “Hindi naman ako pressured o naiinggit kasi alam kong mahirap din to be parents at I don’t think ready ako sa gano’ng life right now.”
Ang maging web producer sa Amerika ang gustong ma-achieve ni Frencheska sa taong ito. Sa katunayan ay may ginagawa na siyang web series tungkol sa Filipino immigrants na nakatira sa Los Angeles, California.