Joel Cruz, nagluluksa

Joel Cruz

Ang sad-sad ni Joel Cruz ng Aficionado perfumes. Namatay ang mommy niya na si Mommy Mila na 92 years old na. Tulad ni Ricky Reyes na habang buhay ang mother nila nasa care niya at inaalagaan, ganundin si Joel sa mommy niya na masarap gumawa ng atsara.

Kainggit ang pagmamahal nila sa kanilang mga mother, at talagang parang ang buhay nila ay umiikot lang sa kanilang ina kahit pa nga gaano sila ka-busy. Siguro nga kaya naging matagumpay sina Ricky Reyes at Joel Cruz dahil nga ang inspiration nila ay ang kanilang mga ina.

Isang bagay na dapat tularan ng lahat ng anak, na kahit saan, ano, at mataas na marating mo, iba pa rin ang pakiramdam na nasa tabi mo ang iyong nanay.

Nakikiramay kami kay Joel Cruz ng Aficionado at TakoyaTea dahil sa pagpanaw ng mahal niyang ina na si Mommy Milagring.

Our deepest sympathy to her family. May you rest in peace.

Gardo in demand pa rin

Ang galing naman ng mga TikTok ni Gardo Versoza. Nakakatuwa kasi nga para bang ang gaan-gaan ng katawan niya, at hindi hirap sa high heels na suot niya. Kaloka talaga na para bang mula’t sapul nagsasayaw siya dahil nga with flair at talagang in tune ang katawan niya sa tugtog.

Bongga pa na pati ang asawa niyang si Ivy, ang ganda ring magsayaw.

Hindi nga kataka-taka na ang lakas ng YouTube nila dahil talagang nakakatuwa siya. Isa si Gardo sa mababait at professional nating artista kaya hindi nawalan ng trabaho at laging in demand. Mahusay pang aktor kaya naman surviving talaga ang career kahit ngayon pandemic.

Show comments